Nitong nakaang Lunes, nagsumite ng Certificate of Candidancy (CoC) sina Former Pampanga second district Board Member Mylyn Pineda-Cayabyab at reelectionist Vilma Caluag para sa pagka-alkalde ng City of San Fernando.
Nagmukhang piesta ang pag-sumite ng CoC ni Pineda-Cayabyab dahil isang mahabang parada ang ginawa ng kanyang mga suporter na pawang may suot na white T-shirt.
Halos 8am na nang magsimulang maglakad si Pineda-Cayabyab kasama ang kanyang mga suporters mula Provincial Capitol hanggang sa city proper ng City of San Fernando.
Isang misa sa Metropolitan Cathedral ang isinagawa para kay Pineda-Cayabyab na kung saan si Archbishop Paciano Aniceto ang nanguna sa misa.
Pagkatapos ng misa, isa-isang kandidato para konsehal ang nagsumite ng kanilang CoC sa Commission on Elections (Comelec) sa City hall maging ang reelectionist na si Councilor Benedict Jasper "BJ" "Tiger" Lagman.
Siyempre, pagkatapos ni Lagman ay si Pineda-Cayayab naman ang nagsumite ng CoC. Kasama ni Mylyn ang kayang asawa, tatay na si negosyanteng Rodolfo "Bong" Pineda, kapatid na si Gobernador Dennis Pineda.
Ang nakapagtataka dito ay bakit hindi nito kasama ang kanyang nanay na si Vice Governor Lilia Pineda??? Nagtatanong lang po.
Kumpleto ang konsilor ni Pineda-Cayabyab at halos ay dating konsehal ni Caluag. Kaya naman nang magsumite ng kandidatora si Caluag ay wala na itong kandidatong bise-alkalde at isa na lamang ang kanyang konsehal.
Si Caluag ay tumatakbo bilang indepente samantalang si Pineda-Cayabyab ay NASA partido ng KAMBILAN.
Maraming mga Fernandinos ang nagtataka kung bakit iniwan si Mayora Caluag ng kanyang mga konsehales.
Isang malaking palaisipan sa mga residente ang pag-lipat ng mga city councilors at vice mayor ni Calaug sa kanyang katunggalin nitong 2025 elections.
Ano ba ang nangyari sa mga city councilors? Ayaw na ba nila ang kanilang city mayor? Sino ba ang may sala? Nagtatanong lang po.
Retired General Albayalde
para Angele City mayor
Noong Lunes, si dating PNP Chief General Oscar Albayalde ay nagsumite ng kanyang CoC sa Angeles City Comelec para city mayor.
Buo ang mga councilors ni Albayalde nang siya ay magsumite ng kandidatura.
Sabi ng mga botante ng Angeles City, isang malaking hamon kay Gen. Albayalde dahil mga pamilya ng Lazatin ang kanyang nakalaban na mahirap daw talunin sa lungsod.
Si Rep. Jon-Jon Lazatin ng 1st district of Pampanga ang katungguli ni Albayalde sa pagka-alkalde ng lungsod.
Nang tanungin si Gen. Albayalde ng ilang reporters, ang sabi niya ay "kung di ko susubukan paano ko malalaman."
"Baka gusto na ng pagbabago ang mga Angelenos" dagdag pa ni Gen. Albayalde.