Mga "accomplishment" ni Col. Umayam

Mga "accomplishment" ni Col. Umayam
Published on

Matatandaan isang City at Provincial police director ang bagong upo nitong nakaraang linggo.

Sir Col. Charlie Umayam ang itinalaga bilang Olongapo City police director pinalitan nito si Col. Carlito Grijaldo.

At nitong nakaraang Lunes, si Col. Miguel Guzman ang pumalit sa puwesto ni Col. Erwin Sanque, Tarlac police provincial director.

Sa unang linggong pag-upo ni Col. Umayam, dalawang drug personalities ang naaresto ng Olongapo City police na kung saan aabot sa P60, 264.00 ang nakumpiska sa kanila sa isinagawang magkahiwalay na bust-bust operations.

At nitong Huwebes (Jan. 25), isang rapist ang naaresto ng Police Station 4 ng Olongapo City sa kanyang pinagtataguhan sa Barangay Old Cabalan.

Ang bagong upo Tarlac police provincial director, "so far" wala pa siyang inirereport na "accomplishments" sa Police Regional Office-3 (PRO3).

Sang-ayon naman sa Intelligence Officer (IO) ng Dateline, isa pang Col. ang masisibak sa kanyang puwesto bago katapusam ng Enero o sa unang linggo ng Pebrero.

Mayroon na raw Col. ang itatalaga na sa isang Provincial Police Director, hinihintay na lamang ang kanyang "Order" mula sa Higher Up ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame, ayon sa IO.

Ok na raw sa kinauukulan ang nasabing Col. "just waiting" na lang sa "order".

Sang-ayon sa IO, mayroon umano lumakad sa Camp Crame para ma "delay" ang "ORDER."

******************************************************

Polluting firm sa San Simon "discharging of Toxic Waste" inirereklamo....susunod na tatalakayin ng Dateline sa susunod na kolum......Ang LGU daw di alam....????

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph