Mga quarry truck hari ng kalsada???

SunStar Sapnu
SunStar Sapnu
Published on

Sino ba dapat sumisita sa mga quarry truck kung magpatakbo parang kotse ang kanilang minamaneho???

Ilan ng mga motorista ang nakakapansin sa mga mabibilis pagtakbo na mga quarry truck sa kahabaan ng Mc Arthur highway at Jose Abad Santos Avenue (JASA).

Malimit makikita mo sa kahabaan ng highway simula sa Barangay Telebastagan hanggang sa Barangay Dolores sa City of San Fernando na kung magpatakbo ang mga drayber ng quarry truck ay parang nagmamaneho lamang ng kotse.

Tuwing gabi mo makikita ang mga quarry truck kung magpatakbo ang mga drayber nito ay humaharurot sa highway.

Kung minsan nga nakikipagkarera pa nga ang mga ito sa kapwa nila quarry truck driver at hindi nila alintana kung makakadisgrasya sila.

Mismo ang Inyong Lingkod, madalas nakikita ko ang mga quarry truck nakikipagkarera habang ang mga kasunod ng mga kotse nito ay umiiwas na lamang o kaya hihinto sa tabi ng kalsada para iwas disgrasya.

Iyong may kargadang bumahangi na patungong Manila ay mabilis din magpatakbo at daig pa magpatakbo ang mga kotse. Lalo na iyong walang laman, mas mabibilis magpatakbo ang mga ito.

Sa araw naman iyong 7am to 9am at 4pm to 7pm truck ban ay hindi rin nasusunod dahil walang ni isang Traffic Enfocer ang sumisita.

Kaya naman di nawawala ang grabeng trapik sa kahabaaan ng highway simula Barangay Telabastagan hanggang Dolores.

Pababayahan na lamang ba natin na makakadisgrasya ang mabibilis na mga quarry truck o hihintayin pa ba natin magkaroon ng sakuna??? Nagtatanong lang po....

Sino ba dapat sumita sa hamaharurot na mga quarry truck, ang mga Traffic Enforcers o Highway Patrol Group.

Bakit sa gabi walang mga Traffic Enforcers at Highway Patrol Group sa kabaan ng Mc Arthur highway at JASA??? Nagtatanong lang po...

Sa araw lamang ba ang inyong trabaho??? Nagtatanong lang po...

Mayora Vilma Caluag ano po ang aksyon ninyo dito....Hihintayin pa ba ninyo magkaroon ng sakuna???

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph