Isang malaking problema sa mga motorista ang mga quarry trucks na bumabagtas sa kahabaan ng Mc Arthur highway.
Sobrang matutulin magpatakbo ang mga drayber nito lalo na iyong wala ng laman na buhangin.
Nakikipagkarera pa ang mga drayber ng quarry truck sa kapwa nilang drayber na maaaring makikipaghabulan sa pagkarga ng buhangin.
Maaari ang mga ito ay nakikipag-unahan para sila ang unang makargahan ng buhangin at makabalik kaagad sa kanilang distanasyon kung saan nila ibinababa ang buhangin.
Ang mga drayber ng mga quarry pawang walang pakialam kung mayroon silang mabangga behikulo.
Ang masaklap nito baka hindi lang damaged to property ang magiging aksidente nila at baka magkaroon pang "casualties."
Dahil malalaki ang mga quarry truck ang ginagawa ng mga malilit na behikulo ay tumatabi na lang muna at pina-uuna ang mga ito.
Malimit makikita mong nakikipag-karera ang mga drayber ng quarry truck ng dakong 10 ng gabi hanggang sa madaling araw. Sa ganitong oras sila nakikipag-karera sa kapwa nila quarry truck drayber.
Sino kayang otoridad ang maaaring sumita at hulihin ang mga quarry truck drabyer??? Nagtatanong lang po....
Ang PNP Highway Patrol Group (HPG) o mga traffic enforcer ng City of San Fernando??? Nagtatanong lang po....
Bakit walang otoridad sa gabi sa kahabaan ng Mc arthur highway mula sa Barangay Dolores hanggang sa Telabastagan para manita sa mga matutulin na quarry truck??? Nagtatanong lang po....
Kinakailangan pa ba hintayin magkaroon malaking sakuna bago tayo umaksyon??? Natatanong lang po....
Sabi nga isang police officer sa Inyong Lingkod, kung walang mangyayaring sakuna hindi aaksyon ang mga otoridad???