Nadiskubre "underground tunnel" sa Porac, Pampanga

SunStar Sapnu
SunStar Sapnu

Nitong nakaraang linggo isang "tunnel" ang nadiskubre ng mga otoridad sa Barangay Senora, Porac, Pampanga.

Natagpuan ng Philippne National Police (PNP) ang isang "secret firing range" and isang "underground tunnel" sa isang esklusibong resort.

Pinaniniwalaan ang nasabing leisure resort ay ginagamit ng mga Chinese nationals nagpapatakbo ng Phillippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa Bamban, Tarlac at sa bayan ng Porac.

Sang-ayon sa report ni Col. Jay Dimaandal, Pampanga Police Provincial Director, dalawang Filipino na incorporators ng Whirewind na nirerentahan ang 10 hektaryang ng Lucky Sourth 99.

Kinilala ng mga incorporators na sina Daniel R. Salcedo Jr. at Chona A. Alejandre. Sila ay natagpuan sa dalawang hektarya compound at sila daw ay pawang empleado na kung saan nasa payrolls ng Bamban government.

Ang pagsalakay sa nasabing "firing range" ay matapos makatanggap ng intelligence reports ang PNP at sa mga sibilyan doon.

Sang-ayon kay Col. Dimaandal ang "raid" ay isinagawa sa bisa ng search warant inisyu ni Executive Judge Rober Alexander Malig ng Regiona Trial Cout's Third Judicial Region.

Ang nasabing ni raid ay sa Barangay Senora ay mayroon pool, lake, garden, salon, spa, KTV bar, game rooms, entertainment centers at isang helipad.

Ang nasabing firing range ay nakabakod ng 20-foort high concrete fence at gawa ito sa soud-proof. Ilan mga slugs ang natagpuan sa nasabing pasilidad.

Nakarekober din ang mga otoridad ng mga baseball bats, bladed weapong at handcuffs na maaaring ginagamit sa "towartures" ng Lucky South.

Ang nadiskubre undeground tunnel ay hindi ba alam ng Local Goverment Units (LGUs) at ito ba ay naisyuyan ng permit??? Nagtatanong lang po...

Ilan pa kaya "underground tunnel" ang madidiskubre sa Pampanga at Tarlac??? Nagtatanong lang po...

Sino sino kaya mga opisyales ang sangkot sa operasyon ng POGO sa Pampanga at Tarlac??? Nagtatanong lang po...

Baka hindi lang sa Pampanga at Tarlac na mayroon ganitong "undeground tunnel."

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph