Naaresto ng Philippine National Police (PNP) ang isang menor de edad na lalake di-umano nagpakalat ng mensahe na "bomb threat" social media.
Nagdulot ng takot at panic sa mga estudiante sa mga paaralan ng Pampanga State of University sa Bacolor; Pampanga State of University sa Mexico; Pampanga Colleges sa Macabebe; Holy Cross College sa Sta. Anan at Our Lady of Fatima University sa City of San Fernando.
Ang nasabing Bomb Threat ay nanggaling sa Social Media Accounts na kung saan nagsasaad na may sasabog na bomba ng dakong 1:00 p.m. hanggang 6:00 p.m.
Sinuspende naman ang klase sa nasabing paaralan at pina-uwi kaagad ang mga estudiante.
Agarang naman nagpa-deploy ng PNP personnel kasama Bomb Sniffing Dogs si Brig. Gen. Ponce Rogelio Penones Jr., Police Regional Office-3 (PRO3) director sa mga paaralan sa Pampanga.
Ayon kay BG. Penones wala naman nakitang bomba ang mga PNP personnel sa mga paaralan.
Ang bomb threat ay nangyari noong nakaraang Lunes (Oct 7)
At noong Martes, nakatanggap din nasabing Bomb Threat ang National University sa Angeles City at University of Assumption sa City of San Fernando.
Isang 21- year old na Senior High School estudiante nakilalang sa alias "sheila" nasa likod ng bomb threat sa Nepomuceno Memorial High School ang inaaresto ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI).
Ang nasabing "bomb threat" ay nasa FB account nagpakilalang "Miles Manunulat.
Kung inyo po matatandaan noong Agosto 14, unang Bomb Threat ang natanggap ng Pampanga State of University sa Bacolor na kung saan araw ng Graduation Ceremony ng mga magsisitapos.
Nabulabog ang mga magtatapos maging ang kani-kanilang mga magulang. Di na nakonsensya iyong nagmensahe ng bomb threat sa mga magsitapos at mga magulang ng mga ito.
Sana madala na ang mga nagpopost sa FB na "bomb threat" dahil hindi rin kayo makakalusot sa batas....