"No Untoward" incident

"No Untoward" incident

Noong unang salbo ng kampaya ng Barangay at Sangguniang Kabataan election, wala inireport na nangyaring karahasan sa buong Central Luzon.

Ito ang ipinagmalaki ni Brig. Gen. Jose Hidalgo, Police Regional Office-3 (PRO3) director na kung saan lahat ng kanyang mga Provincial at City director walang inireport na karahasan.

Ito aniya dahil sa monitoring ng kanyang mga provincial at city director sa kanilang area of responsibility.

Masigasig ang mga ito sa kanilang monitoring at pakikipag-usap sa mga tumatakbong Barangay at SK, ayon pa kay Hidalgo.

Bukod dito, sang-ayon kay Hidalgo nagkaroon ng Peace Covenant ang halos lahat ng mga kandidato na ginanap sa PRO3 headquarters.

Dinaluhan ito ng opisyales ng Commission on Elections (Comelec) at ng Department of Interior and Local Government (DILG), ayon pa sa kanya.

Nagkaroon ng "signing" sa nasabing Peace Covenant at naging matagumpay naman ito.

Inaasahan na magkakaroon ng deployment ng PNP personnel sa iba't ibang polling centers sa rehiyon, ayon pa kay Hidalgo.

Bawat polling centers mayroon dalawa o tatlong PNP personnel na magbabantay.

Inaasahan ni Brig. Gen. Hidalgo na magiging Peace and Order ang BSKE sa rehiyon.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph