3 PDs at 2 DCs ang papalitan

Inaasahan nitong darating na buwan magkakaroon ng balasahan sa mga Provincial at City police directors.

Ayon sa Intelligence Officer (IO) ng Dateline, ang mga maaapektuhan sa balasahan sa mga Police Provincial Directors ay sina Col. Relly Arnedo ng Bulacan Police; Col. Erwin Sanque ng Tarlac Police; at Col. Richard Caballero ng Nueva Ecija police.

Police City Directors sina Col. Carlito Grijaldo ng Olongapo Police samantalang si Col. Ritz Rara ng Angeles City police ay na-relieved dahil sa Command Responsibility at si Col. Dionido Maniago ang pangsamatalang Officer-In-Charge.

Si Col. Sangue at Col. Caballero ay halos mahigit sila ng isang taon sa kanilang puwesto, samantalang si Col. Arnedo at Col. Grijaldo wala pang isang taon.

Sang-ayon sa IO, mayroon na daw papalit sa mga nasabing puwesto ng tatlong PDs at dalawang CDs nguni't di mo daw ipapahayag.

Subali't napag-alaman ng IO, si Col. Amado Mendoza, chief ng Regional Logistics Division ang napipisil ng Higher Up sa Angeles City police. Malalaman ito sa katapusan ng buwan kung matutuloy na maupo si Mendoza sa Angeles Police.

Sabi nga ng mga police officers, alam mo dyan palakasan ng "Backer" kung gusto mong maupo at hindi iyong "qualification" ng isang Colonel....

Kawawa ang mga walang malakas na "Backer" dahil ang kanilang ipinagmamalaki ang kanilang "Qualification." Bakit kaya hanggang ngayon ay mayroon pa rin ganitong sistema ang PNP??? Nagtatanong lang po....

Hanggang kailan kaya matatapos ang palakasan "system" sa PNP??? Nagtatanong lang po...

Abangan ang mga papalit sa mga PDs at CDs...sana mga Qualified sa puwesto at hindi dahil malakas sila....

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph