Babala sa mga pulis paggamit ng cellphone - masisibak

Binalaan ni Brig. Gen. Jose "Daboy" Hidalgo Jr., Police Regional Office-3 (PRO3) director ang mga PNP personnel na gumagamit ng cellphone habang sila'y On Duty.

Noong Abril 11, dalawang PNP personnel ang ni-relieved BG Hidalgo sa kanilang police unit dahil sa paggamit ng cellphone habang naka Duty.

Babatiin sana ni BG. Hidalgo ang dalawang PNP personnel dahil sa kanilng "police presence" sa bahagi ng Angeles City.

Nguni't laking gulat ni BG. Daboy nang lapitan nito ang PNP patrol car nakita nitong nasa loob ang dalawang pulis at gumagamit ng kanilang cellphone.

Hindi yata napansin ng dalawang pulis ang paglapit ni BG. Daboy sa kanilang patrol car at "busy" pa rin sa kanilang cellphone.

Kaya sa inis o galit ni BG. Daboy sa dalang pulis, ni-relieved ang mga ito sa kanilang police unit.

Sa pahayag ni BG. Hidalgo, hindi ito magdadalawang isip na i-relieved ang police community precinct commanders at maging ang chiefs police kapag nahuli ang kanilang personnel ng cellphones limang beses habang naka Duty.

Hindi binanggit ni BG. Daboy ang pangalan ng dalawang PNP personnel na kanyang nahuling gumagamit ng cellphone sa loob pa ng kanilang police patrol....

Kaya mga PNP personnel, huwag na huwag kayong gagamit ng inyong cellurphones habang naka-Duty dahil malalagot kayo kay BG. Hidalgo.....

Itong dalawang PNP personnel ang nahuli ni BG. Daboy kung maglilibot o mag-iispeskyon pa siya ay marami siyang mahuhuli...Di po ba????

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph