Binaril at napatay na businesswoman wala pang solusyon???

Binaril at napatay na businesswoman wala pang solusyon???

Noong nakaraang Martes (Sept. 19) isang negosyanteng babae ang binaril at napatay ng di-kilalang armado lalake sa kahabaan ng Jose Abad Santos Avenue (JASA), City of San Fernando.

Kinilala ng Pulisya ang biktima na si Rosalinda Mangune Cruz, 52, ng Norzagaray, Bulacan.

Ang biktima ay kasalukuang nagdidiliber ng parol sa mga suki nito sa kahabaaan ng JASA sa Barangay San Juan ng lungsod nang pagbarilin ng dalawang suspek malapitan, ayon sa police report.

Namatay kaagad ang nasabing biktima dahil sa grabe nitong tama ng bala sa katawan, ayon sa police report.

Tumakas ang mga suspek sakay ng di pa tukoy na behikulo, ayon pa sa report.

Halos mag-iisang linggo na ang nasabing shooting incident at hanggang ngayon bakit kaya wala pang solusyon ang PNP...Nagtatanong lang po....

S n R bakit limitado na ang pinapapasok???

Kamakailan isang pamilya ang nagtungo sa S n R upang kumain ng Pizza doon.

Laking gulat ng nasabing pamilya dahil biglaang nagkaroon ng paglimitado sa mga pumapasok dito.

Sa isang S n R card apat na katao lamang ang maaaring pumasok. Papaano kung 11 katao ang isang pamilya??? Kailangan pang bumalik ng isang S n R card??? Nagtatanong lang po...

Nang magbukas ang S n R malimit o palagi pumapasok at kumakain ang nasabing isang pamilya.

Wala namang abiso o annoucement ang S n R na limitado na ang pagpasok sa kanilang establistamento

Take Note... ang sungit pa raw ng nasa gate ng S n R kung ano ano ang sinabi sa nasabing pamilya. Di pa rin niya nagbigay respeto ang magulang ng pamilya at nakipag diskasyon pa ito... Mali mali ang ginawa ng nasabing babae di po ba???

Dapat bigyan ng aksyon ng S n R ang sumisita personnel nito sa mga pumapasok.na mga kustomer.

Baka pagdating ng araw wala na kayo gaanong kustomer dahil sa paglimitado niyo sa S n R card.na apat katao lang ang puwedeng papasukin sa inyong establistamento.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph