Handang handa na ang PRO3 sa "disaster response" - B.G.Fajardo

SunStar Sapnu
SunStar Sapnu
Published on: 

Nitong nakaraang Miyerkules, ipinakita ng PRO3 sa pamumuno ni Brig. Gen. Jean Fajardo ang mga kagamitan sa "disaster response."

Kabilang sa mga ipinakita sa media personalities sa isang "press conference" ang rubber boats, life vests, medical kits, portable lighting systems, communication equipment, at iba pang mahahalagang gamit para sa "search and rescue operations."

Ito ang ipinagmalaki ni Fajardo sa kanilang kahandaan sa pagtugon sa mga iba't ibang maaaring maging sakuna.

Ang pagpapakita ng kahandaan ay ginanap sa Patrol Hall sa Camp Olivas, Pampanga.

Ito ang naging "showdown inspection" sa Disaster Equipment Capabilities sa PRO3 na kung sinabayan ni Chief PNP Gen. Rommel Marbil ang pag-inspeksyon sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Sa nasabing aktibidades, ipinamalas din ng mga PRO3 personnel ang kanilang kaalaman at kasanayan sa mga disaster response.

Ang nasabing "simutaneous inspection" sa bansa ay isang inisyatibo ng PNP Critical Incident Management Committee. Ito'y sa temang "Sa Bagong Pilipinas ang Gusto ng Pulis: Litas Ka."

Abangan po natin kung paaano mag-responde ang "Disaster Response Team" ng PRO3 kapag may sakuna sa Gitnang Luzon.

BPPO ranked Top 1 sa "performance"

Naging Top 1 ang Bataan Police Provincial Office (BPPO), sa pamumuno ni Col. Marites Salvadora, sa "performance."

Sa siyam na Police Provincial Offices sa Gitnang Luzon, ang BPPO ang naging Top 1 sa Performance Evaluation Rating.

Ang Balanga City police station ang naging Top 6 sa katunggali nitong 13 lungsod sa rehiyon.

Ang nakuhang magandang "performance" ng BPPO at Balanga City police ay nagpapakita lamang ang kanilang dedikasyon sa pag-ganap ng kanilang tungkulin o trabaho.

Kabago-bago lamang ni Col. Marites Salvadora sa BPPO, naging Top 1 sa "perfomance evaluation rating" na isinagawa nitong nakaraang linggo.

Congratulations Col Salvadora. Mabuhay po kayo.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.

Videos

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph