Sa harap ng tumitinding kaso ng school violence sa bansa, masasabi nating matagal na ipinagwalang-bahala ng Department of Education (DepEd) ang kanilang tunay na tungkulin. Nakabibingi na ang sigaw ng mga ulat. Isang linggo lang, tatlong magkakasunod na insidente ng karahasan sa loob ng mga paaralan: Tacloban City, Cavite City, at General Trias, Cavite. May mga estudyanteng namatay, sugatan, at nabalot ng trauma. Hindi ba’t nakakikilabot na ang lugar na dapat sana ay ligtas at mapag-aruga ay naging kanlungan at larawan ng takot at panganib?
What’s even more infuriating is that DepEd has a more than P2 billion fund supposedly earmarked para sa pag-hire ng Registered Guidance Counselors, or School Counselor Associates. But let’s ask ourselves: where are these counselors? Ilang taon na ang lumipas, ilang pangako na ang binitiwan, ngunit karamihan sa mga public schools natin hanggang ngayon, wala pa ring access sa mga lisensyadong guidance counselors. These professionals are more than just “advisers”. They are the first line of defense against mental health crises, bullying, and even the seeds of violence. Kung may sapat na guidance counselors, mas malaki ang posibilidad na maisasalba ang maraming batang nangangailangan bago pa man sila malugmok sa depression o mapilitang gumawa ng marahas na hakbang.
Hindi biro ang mahigit P2 bilyong pondo. Iyan ay pera ng taumbayan, pera ng bawat Filipino na nagbabayad ng buwis, para sana sa kapakanan ng kabataan. Pero bakit tila nananatiling inutil at hindi nagagamit ang pondo? Ang kawalan ng pagkilos ng DepEd ay hindi lang kapabayaan, kundi tila tahasang pagtalikod sa mandato ng edukasyon: ang pangangalaga sa bawat estudyante, hindi lang sa akademikong aspeto kundi pati na rin sa kanilang mental at emosyonal na well-being. Hindi puwedeng basta palampasin ito. This is not just a missed opportunity but a screaming betrayal.
Ngunit tila hindi lang ito ang problema. The glaring irony is in how DepEd allocates its resources. Alam nating napakahalaga ng feeding program. ₱26 billion ang inilaan ng DepEd para rito. Wala tayong dapat tutulan na busugin ang mga bata, ngunit bakit tila walang pondo, ni standard protocol man lang, para sa school security? How can we expect our children to thrive if their schools are unsafe? Bakit mas priority ang pagkain kaysa sa kaligtasan? Hindi ba’t dapat magkasabay ang nutrisyon at seguridad? Hindi ba’t mas mainam na busog sa pagkain at ligtas sa karahasan ang mga bata?
Nakababahala na hanggang ngayon, walang national standardized school security protocol. Iba-iba ang patakaran ng bawat paaralan, depende sa kakayahan ng principal o ng LGU. Kadalasan, ang mga umaaktong security guards sa mga pampublikong paaralan ng DepEd ay hindi naman talaga mga security guards na dumaan sa pag-aaral at pagsasanay. Marami sa kanila ay galing sa LGU para lamang mabigyan sila ng hanapbuhay ng mayor na ibinoto nila.
This lack of uniformity only exposes more students to risk and confusion. Kapag may nangyaring insidente, palaging reactive ang tugon: nagkagugulo, nagkakanya-kanya. Bakit hindi tayo makagawa ng iisang matibay at malinaw na protocol na susundin ng lahat ng pampubliko at pribadong paaralan, mula Batanes hanggang Tawi-Tawi? Hindi ba’t ito ang tungkulin ng DepEd, na may pinakamalaking budget sa lahat ng ahensya ng gobyerno?
Numbers don’t lie. Three violent incidents in three different cities in a single week. Ilang bata pa ang kailangang madamay? Ilang pamilya pa ang kailangang magdusa? Ang kawalan ng national standardized school security protocol ay parang paglalakad sa tulay na walang railings kung saan bawat hakbang, may peligro. Hindi sapat na may pondo lang. Dapat may malinaw, proactive, at mahigpit na sistemang dapat maipatupad. Hindi natin puwedeng iasa sa “suwerte” ang buhay at kaligtasan ng mga bata.
Ang bawat paaralan ay dapat maging sanctuary, isang ligtas na lugar kung saan puwedeng mangarap, matuto, at magkamali nang walang takot. Ngunit sa kapabayaan ng DepEd, para nating iniwan ang mga bata sa gitna ng digmaan. Ang kawalan ng guidance counselors at security protocols ay parang pag-iwan sa kanila sa gitna ng bagyo na walang payong, walang proteksiyon, walang pag-asa. Hindi na ito dapat palampasin na lamang. Matagal na dapat itong inaksiyunan ng DepEd kung hindi lang ito masyadong abala sa mga repormang palpak din naman at palaging minamadali ang pagpapatupad!
School violence is not an act of God. It is not a natural disaster beyond our control. Ito ay bunga ng kapabayaan, kakulangan sa foresight, at paulit-ulit na pagsasawalang-bahala ng mga lider sa edukasyon sa tunay na pangangailangan ng kabataan. Kung may pondo, bakit walang aksiyon? Kung may mandate, bakit walang resulta? Kung may trauma, bakit walang accountability?
We need to demand more than just press releases or “expressions of alarm” from DepEd officials. Hindi sapat ang pagsasabi ng “kami ay nababahala.” We need concrete action, real accountability, and visible change. Ilan pa kayang press conference ang kailangang gawin bago tayo makakita ng tunay na pagbabago? Ilan pa kayang buhay ang kailangang mawala bago magising ang DepEd sa kanilang responsibilidad at akuin ang kanilang kapabayaan?
This is no longer just the fight of parents or teachers, but a fight for the soul of our nation. Habang patuloy na nananahimik ang DepEd, dapat na patuloy magsalita ang mga stakeholders. Dapat ipaglaban ang karapatan ng bawat batang Pilipino sa isang ligtas, makatao, at makabuluhang edukasyon. Sama-sama, dapat mag-ingay, magprotesta, at magpumilit hangga’t hindi naririnig ang mga napapanahong hinaing. Hindi puwedeng gawing statistics lang ang nasawi at nasugatang mag-aaral. Hindi sila numero lang, kundi buhay, pangarap, at kinabukasan ng bayan.
Kung hindi kayang gampanan ng DepEd ang kanilang tungkulin, panahon na para managot ang mga dapat managot. Kung hindi nila kayang ipatupad ang mga programang tunay na mahalaga, dapat silang humakbang palayo at bigyan ng daan ang mga lider na tunay na may malasakit. Magbitiw sa tungkulin ang dapat magbitiw sa tungkulin! Hindi na dapat tiisin ang ganitong kapabayaan. We owe it to our children, to our nation’s future. Kailangang may managot sa ganitong nakapanlulumong KAPABAYAAN!