Php3.6-B shabu nadiskubre sa Pampanga

Php3.6-B shabu nadiskubre sa Pampanga

Nakakagulat na naman ang balitang nadiskubre 530 kilos ng shabu nagkakahalaga ng Php.3.6 bilyon sa isang warehouse sa Pampanga.

Nasa headline ng Phil. Star ang nasabing shabu ay nakalagay sa mixed red tea bags at golden tea bags at nilagay sa brown boxes.

Sang-ayon sa report ng nasabing newspaper, ang shabu ay nasa bag of chicharon o bag of dried fish at cases of soft drinks mga sako ng of feeds upang itago ang nasabing kontrabando.

Sinalakay ng mga operatiba ng Bureau of Customs-Port of Subic kasama ang National Bureu of Investigation (NBI), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Department of Justice (DOJ) ang warehouse sa Purok 5, Barangay San Jose Malino.

Ang nasabing shabu ay nasabat umano ng BOC-Port of Subic, NBI, PDEA at DOJ.

Ito na ang malaking shabu ang nadiskubre sa Pampanga, ayon sa report.

Sang-ayon sa report ang kontrabando ay dumating sa Subic Port on Sept. 18 galing ng Thailand sakay ng Sitc Shekou vessel.

Ang nasabing warehouse ay nasa liblib na barangay kaya naman di gaanong napapasin ito.

Sa laki ng halaga ng shabu nadiskubre sa Barangay Malino...bakit kaya walang otoridad ang nakadiskubre nito??? Nagtatanong lang po...

Traffic Lights sa St. Jude operational na...

Sa wakas ginawa na rin ng Department of Public Works and Highways3 (DPWH3) ang Traffic Light sa St. Jude sa Barangay Dolores, City of San Fernando.

Nitong Martes ang Traffic Lights nasa junction ng St. Jude ay operational na.

Halos umabot ng apat na taon bago ginawa ng DPWH3 ang nasabing Traffic Lights.. Bakit kaya tumagal na ganito Mr. DPWH3??? Nagtatanong lang po..

Di na siguro magkakaroon ng grabeng trapik mula Barangay San Isidro hanggang sa nasa Traffic Lights...lalo na during Rush Hour.

Ang tagal nagsakripisyo ang mga motoristang dumadaan dito maaari naman palang gawin??? Nagtatanong lang po...

Sana iyong Traffic Lights sa Barangay Sindalan ay aksyunan na rin ng DPWH3.....

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph