PRO3 kampanya sa droga at wanted persons

PRO3 kampanya sa droga at wanted persons
Published on

Nitong buwan ng Septiyembre, umaabot sa Php800,000 halaga ng illegal drugs ang nakumpiska ng awtoridad sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Angeles City at Mabalacat City.

Apat na illegal drug personalities ang naaresto nakilalang sina Loyd Cyrel Antonio at Anthony Samia, kapwa residente ng Barangay Pampang, Angeles City; Mike Yumul at Joanna Marie Lacanilao, kapwa ng Mabalacat City.

Sina Antonio at Samia ay naarest ng Angeles City police sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Pampang at narekober sa kanila ang 55 gramo ng shabu nagkakahalagang Php374,000.00.

Samantala sina Yumul at Lacanilao ay naaresto ng Mabalacat City police sa buy-bust operation sa Barangay Dau at nakumpiska sa kanila ang 60 gramo ng shabu nagkakahalagang Php408,000.00.

Ang apat na mga suspek ay nakadetine sa Angeles City police at Mabalacat City police at sinampahan ng kasong illegal drugs.

Noong Septiembre 5, umaabot naman sa Seven Top Most Wanted persons ang naaresto ng pulisya sa lalawigan ng Nueva Ecija, Tarlac, Bataan at Pampanga.

Ang mga naaresto ay nahaharap sa iba't ibang kaso kagaya ng two couts of statutory rape, robbery, carnapping at acts of lasciviousness.

Sa patuloy na kampanya ng PRO3 sa illegal drugs at wanted persons baka mapuno ang mga kulangan sa rehiyon. Saan kaya ikululong ang iba pang mga nahuhuli ng PRO3??? Nagtatanong lang po...

Masamang ginawang kalsada sa Bacolor

Kung dumadaan kayo sa Jose Abad Santos Avenue patungo ng Guagua Pampanga, ang kalsada mula sa pagbaba ng Sta. Barbara bridge ay sobra ang sama.

Pagbaba mo ng nasabing tulay patungo ng Guagua, ang sementadong kalsada dito ay hindi pantay pantay.

Kaya naman kapag dumaan ka dito ay para ka dumaan sa lubak na lubak na kalsada.

Sino kaya ang kontratistang gumawa ng nasabing sementadong kalsada??? Bakit hindi ito pinantay??? Nagtatanong lang po...

Ito ba'y inaprobahan ng opisyal ng Department of Public Works and Higways (DPWH3) kahit masama ang pagkakagawa??? Nagtatanong lang po...

Mr. DPWH3 subukan ninyong subukan sa nasabing kalsada...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph