Sapnu: Basag kotse gang strikes again in mall

Published on

MATAGAL na rin walang iniuulat na insidente ng Basag Kotse sa City of San Fernando simula nang maupo hepe si Superintedent Levi Hope Basilio.

Sinikap at pina-igting ni Basilio ang kampanya nito laban sa mga miyembro ng Basag Kotse gang.

Ito’y dahil noong termino ng dating hepe, maraming kababayan natin ang naging biktima ng Basag Kotse.

Ang mga insidente ng lugar kung saan tumatarget ang Basag Kotse ay sa Lazatin Boulevard, Barangay Dolores, Barangay Calulut at sa Villa Victoria Subdivision.

Subalit ang matindi nito ay nang pitong behikulo ang naging biktima ng Basag Kotse gang sa Robinson Star Mills. Sa loob lamang ng isang oras nalimas ng mga kawatan ang mga behiko ng mga biktima.

Kaya naman nang maupo noong Hunyo 12 si Basilio bilang hepe ng City of San Fernando police, lalo nitong pina-igting ang kampanya laban sa mga miyembro ng Basag Kotse gang.

Noong nakaraang Huwebes (July 19), tinarget ng mga miyembro ng Basag Kotse gang ang Toyota Fortuner (WIL-441) ni Atty .Eloy Bello IV.

Ipinarada ni Bello ang kanyang SUV sa SM Telabastagan parking lot ng dakong 5:45 hapon upang magkape siya at ng kanyang kaibigan.

Pagbalik ng dalawa laking gulat nila ang kanan passenger windshield ng kanilang behikulo ay basag na.

Natangay ang mahahalagang gamit ng dalawa kagaya ng LV bag naglalaman ng BDO checks, BPI credit card, Union bank credit card, driver’s license, company ID, Phil care heath card, BDO ATM card, dalawang bag na may cash, ATM card passbook, SSS ID, driver license, Postal ID at Voters ID.

Sa text ni Basilio sa Dateline, iyong Basag Kotse gang ay nakasakay sa Gray Nissan na may conduction sticker na NV350 batay sa CCTV.

Ano kaya ang ginagawa ng mga security guard ng nasabing mall at nakalusot ang mga kawatan? Nagtatanong lang po...

Hindi ba sila umiikot sa parking lot upang tiyakin walang nangyayari masama sa mga behikulo nakaparada sa kanilang mall? Nagtatanong lang po...

Kayong may-ari ng mga behikulo, huwag mag-iwan ng mahahalagang gamit para hindi kayo maging biktima ng Basag Kotse gang.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph