Sapnu: Basag/Bukas Kotse gang umatake na naman

Published on

NITONG nakalipas na dalawang linggo, tatlong insidente ng pagnanakaw na kung saan kagawan ng Basag/Bukas Kotse gang.

Unang nangyari ang nasabing insidente sa Barangay Saguin, City of San Fernando na kung saan isang kotse ang naging biktima (di na kinalala).

Kumain sa isang restaurant ang biktima at pagbalik nito basag na ang bintana ng kanyang behikulo. Buti na lang walang mahalagang kagamitan natangay sa kanya, ayon sa police report.

Sumunod naman ang insidente sa harap ng Niccel Kitchen sa Barangay Quebiawan, City of San Fernando.

Dakong 12:20 p.m. nang basagin ang bintana ng isang Isuzu DMAX na pag-aari ni Wilson Pineda ng Villa Isabel, Calulut, City of San Fernando.

Kumain sa nasabing kainan si Pineda at nang bumalik ito sa kanyang behikulo nagulat ito dahil ang kanan bintana harapan ng kanyang Isuzu basag na.

Ang body bag ni Pineda nakalagay sa front passenger seat ay natangay ng mga suspek.

Inireport nito sa pulisya naglalaman ng ID cards, credit card, ATM card, passbook, Acer Laptop at PHP5,000.00 ang kanyang body bag.

Nawalan o natangayan naman ng halagang PHP300,00 ang naging biktima ng Bukas kotse si Henry Garcia.

Ipinarada nito ang kanyang Ford Ranger sa kahabaan ng Sto. Cristo, Angeles City at pumasok ang biktima sa KTV bar.

Pagkalipas ng ilang oras, pagbalik nito sa kanyang Ford Ranger, nawawala na ang isang paper bag sa loob ng behikulo na naglalaman P300,000.

Buti na lang iyong PHP400,000 nasa ilalim ng driver’s seat hindi nakita ng mga suspek.

Sang-ayon sa police officer, ang mga suspek ay sakay ng dalawa o tatlong motorsiklo.

Iikutan muna ang target nilang behikulo at pag positive na may makukuha sila doon nila sasalakay.

Sa tatlong insidenteng Basag/Bukas kotse, inatasan ni Brigadier General Joel Napoleon Coronel, Police Regional Office-3 (PRO3) director, ang hepe ng City of San Fernando police at ang Officer-In-Charge ng Angeles City police na paigtingin ng mga ito ang police visibility sa kanilang area of responsibility.

Inatasan ni Coronel na habulin o hulihin ang mga miyembro ng Basag/Bukas Kotse gang, ayon kay Coronel.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph