Sapnu: Insidente ng ‘basag kotse’, robbery-holdup talamak na

NITONG nakaraang Disyembre 16, isa na naman ang naging biktima ng mga tinaguriang miyembro ng basag-kotse gang.

Si Patricia Joy Garcia, 29, ng Barangay San Isidro, Sta. Ana, Pampanga, ipinarada ang kanyang Toyota Rush sa loob ng Heavenly Palace cemetery sa Barangay Sta. Lucia sa bayan ng Sta. Ana sa dako ng 8:30 ng umaga.

At makaraang isang oras pagbalik nito sa kanyang kotse, laking gulat nito ang kanang bintana nito ay basag na.

Natangay ng basag-kotse ang kanyang isang pouch na naglalaman ng isang credit card, driver’s licenses, tatlong ATM card, personal checks at P7, 000 cash.

Matatandaan noong Disyembre 3 at Disyembre 5, umatake na sa Balibago, Angeles City na kung saan si Doctor Reynaldo Dizon ang nabiktima ng mga miyembro ng basag-kotse gang.

At noong Diyembre 3, sa harapan mismo ng Puregold branch sa Barangay Dolores, city of San Fernando, na kung saan ilang metro lamang sa Dolores Police Precinct ay umatake ang basag-kotse.

Ipinarada ni Mycah Caingat ng Lourdes Heights ang kanyang Mitsubishi Mirage ng dakong 7:30 p.m. Pagbalik nito, basag na ang kanang bintana ng kanyang kotse.

Sang-ayon sa report ni Colonel Paul Gamido, chief of police ng City of San Fernando, ipinarada ni Mycah Caingat, 30, residente of Barangay Lourdes ang kanyang Mitsubishi Mirage sa harapan ng Puregold ng dakong 7:30 p.m. At nang bumalik ito sa kanyang kotse, ang kanang bintana nito ay basag na at ang kanyang shoulder bag na naglalaman ng iphone6, make-up kit, power bank at earphone ay nawawala na.

Noong Disyembre 4, umatake na rin ang mga kawatan sa Marilao, Bulacan na kung saan si Renz Marion Silvestre ang nabiktima. Mismong sa harapan ng McDonald’s food chain ipinarada nito ang kanyang Fortuner at doon ito binasag ang bintana ng kanyang behikulo.

Bukod sa basag-kotse gang, mga miyembro ng robbery-holdup gang umaatake sa rehiyon.

Mga salesman/collector ng mga sigarilyo ang hinoholdap. Unang nangyari ang insidente sa San Pascual, Tarlac City. Umabot sa P320, 000 ang natangay sa salesman.

May iniulat din hinoldap sa Pampanga at Bataan na mga saleman/collector ng mga sigarilyo.

Simula nitong Disyembre 16, mga robbery sa San Rafael at San Jose Del Monte City kapwa sa Bulacan ang nilooban.

Ang CDC GN power sa Alasasin, Mariveles, Bataan ay nilooban din.

Sa Barangay Anonas, Angeles City at isang farm sa Iba, Zambales ang nilooban ng mga miyembro ng robbery-holdup gang.

Ano kaya ang gagawin aksyon ni Brigadier General Rhodel Sermonia, Police Regional Office-Central Luzon acting director, sa sunod-sunod na nabanggit na mga insidente? Nagtatanong lang po.

*****

Ang Dateline Olivas ay bumabati sa lahat ng readers ng isang MALIGAYANG PASKO sa inyong lahat!

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph