PAG-UPO ni Col. Diosdado Fabian bilang city police director ng Angeles City, kaagad nagpakita ito ng "accomplishments."
Matatandaan mag-iisang buwan pa lamang itong maupo sa Angeles City Police Office, marami ng naging "accomplishments" ito si Fabian.
Una dito angnito sa illegal drugs na kung saan hindi na mabilang ang mga drug personalities naaaresto ng ACPO personnel.
Hindi na rin mabilang ang mga wanted persons ang nahuhuli ng ACPO simula nang maupo itong si Col. Fabian.
Nitong Miyerkules (March 8), isang shabu pusher ang naaresto ng ACPO nakilalang si Wilson Aguilar ng Sapang Bato. Narekober sa kanya ang shabu na nagkakahalagang P40,800. Naaresto din sina Rowena Carbungco, 40, ng Barangay Lourses and Hershee Canlas, 30, ng Barangay Capaya.
Sa araw din iyong, isang high-value drug personality na si Nathalia Amal, 42, ng Dapap, Mabalacat City, ang naaresto sa buy-bust operation sa Barangay Cut-Cut, Angeles City na kung saan umaabot sa P344,760 halaga ng shabu ang nakumpiska.
Isang wanted person naman ang nahuli ng ACPO sa pamamagitan ng warrant of arrest laban kay Khalib Domingo, 34, ng Barangay Malabanias.
Dito nagpapatunay na masigasig si Col. Fabian sa kanyang kampanya laban sa illegal drugs at wanted persons.
Congrats Col. Fabian! Kung araw araw may nahuhuling drug personalities ang ACPO saan naman sila ikukulong dahil maliit lamang ang kanilang jail? Nagtatanong lang po.
***
Traffic light sa may Vista Mall
Bakit kaya hindi pa tinatanggal ang nakalagay na Traffic Light sa Vista Mall na nagiging sanhi ng mahaba ng trapik?
Dati ang nasabi traffic light ay mismong nasa harapan ng Vista Mall. Ito'y upang bigyan umano ng prayoridad ang mga behikulong pumapasok sa nasabing mall.
Dahil sa mga reklamo ng ilang motorista, ang nasabing traffic light ay medyo nilayo nila sa harapan ng Vista Mall upang hindi siguro masabi na binibigyan ng prayoridad ang mall.
Subali't ang nasabing traffic light ay nagdudulot pa rin ng mahabang trapik kapag ito'y umaandar.
Sa obserbasyon ng Dateline, kapag ito'y umiilaw lamang ang kulay dilaw ay walang makikitang mahabang trapik. Kapag naman pinaandar ito, nagiging sanhi ito ng trapik.
E kung tututuusin kapag umaandar at naka stop ang nasabing traffic light at wala naman pumapasok o lumalabas ng Vista Mall.
Ano, palagay po ninyo, kinakailangan na bang tanggalan ang nasabing traffic light sa Vista Mall e kung tutuusin hindi naman dapat ilagay doon iyon?
Ang tanong bakit ang Walter Mart walang traffic light?