Sapnu: ‘Magsuot ng face mask’ – Sermonia

Published on

HINIMOK ni Brigadier General Rhodel Sermonia, Police Regional Office (PRO)-Central Luzon director ang lahat ng residente sa Central Luzon na magsuot ng face mask.

Sang-ayon kay Sermonia, huwag kalimutan magsuot ng face mask kapag lalabas ng bahay kung may bibilhin sa palengke o grocery.

Ito ay upang di pa kumalat ang Covid-19 virus sa rehiyon.

Ang nasabing direktiba ni Sermonia ay bilang sa pagpapatupad ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

Ipinaalala din ni Sermonia ang social distancing sa mga residente ng Central Luzon.

Dapat sundin ang lahat nito, ayon kay PRO-Central Luzon regional director.

Ang sinuman mahuli o sumuway sa kautusan ay makukulong ng anim na buwan o magbabayad ng halagang P20,000 o P50,000 ayon pa kay Sermonia.

Ang direktiba na ito ay upang maibsan ang pagkalat ng virus, ayon pa kay Sermonia.

Pinaalalahanan din nito ang mamamayan sa rehiyon na mamalagi na lamang sa kani-kanilang mga bahay.

Umaabot na sa 1,001 katao sa rehiyon ang nasabihan dahil sa hindi pagsuot ng face masks.

Upang hindi na kumalat ang nasabing virus, sumunod na lang po tayo sa mga guidelines ng IATF... At kapag lumobo pa ang bilang ng kaso ng Covid-19 sa bansa baka ideklara ni Pangulong Duterte ang total lockdown na kung baga ala martial law?

Gusto po ba ninyo ideklara ang martial law ulit? Nagtatanong lang po...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph