Sapnu: Maituturing pinakamalaking nakumpiskang shabu?

Noong nakaraang Huwebes (July 28), isang malaking halaga ng shabu ang nakumpiska ng Philippine National Police (PNP) nitong taon.

Umaabot sa 60 kilong shabu nagkakalagang Php408 milyon ang nasabat at nakumpiska ng PNP sa Mega Station sa kahabaan ng North Luzon Expressway (NLEx) sa Barangay San Simon, Pampanga.

Dakong hapon ng Huwebes nang mismong si Officer-In-Charge PNP Lt. Gen. Vicente Danao at si Secretary of Interior and Local Governemnt Benhur Abalos ang dumating sa nasabing malaking buy-bust operation.

Umaabot sa 60 kilo ng pinaghihinalaang shabu nagkakalaga ng Php408 milyon ang nakuha o nakumpiska kay Hernani Loranya Cosumo, 31, residente ng Barangay Bagumbong, Caloocan City.

Ang 60 kilo ng shabu ay nakalagay sa likuran ng isang Starex van na kung saan nasa pakete ng mga imported tea, ayon kay Brig. Gen. Matthew Baccay, Police Regional Office-3 (PRO3) director.

Si Cosumo ay nasa listahan ng PNP bilang Top Drug Target na minomonitor ng PNP-Drug Enforcement Group (DEG), ayon kay Baccay.

Sa pahayag ni Lt Gen. Danao na isang malaking sindikatong grupo ang nasa likod ng pagbebenta at distribusyon ng nasabing nakumpiskang illegal drugs.

Ang malaking accomplishments ng PNP ay resulta ng intelligence at monitoring system ng PNP at ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Kanino at saan kaya idedeliber ang nasabing 60 kilong shabu? Nagtatanong lang po...

*****

Namasyal o isa sa adviser ni mayora?

Sa isang post sa social media, maraming nakapansing mga Fernandinos/Fernandinas nandoon ang butihin asawa ni City Mayor Vilma Caluag.

Sa post makikita mo nasa dakong likuran ang kanyang husband (Melchor) nakaupo at mukhang mayroon umano kinakausap?

Maraming nagtatanong mga kababayan natin kung ang asawa ni mayora ay nag-oopisina umano na rin sa Heroes Hall?

Iyon ang ang mga larawang nakapost sa FB page ng LGU.

Ang tanong po dito, araw-araw kaya si husband sa Heroes Hall o maging sa City Hall? Nagtatanong lang po...

Isa kaya siya sa mga adviser ni Mayora kaya nandoon siya??? Nagtatanong lang po....

Sa nakapost na picture, makikita si Mayora nakatayo sa isang mesa at kasama ang ilan mga city employees, samantalang ang kanyang husband ay nasa dakong likuran nakaupo...

Ano kay ang ginagawa ng husband ni Mayora sa City Hall??? Napasyal lamang o maaari itong maging adviser niya??? Nagtatanong lang po......

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph