KUNG iyong matatandaan nag-isyu ang PNP National Headquarters ng Majindra patrol vehicles sa iba’t ibang regional police offices sa bansa noong panahon ni Pangulong Aquino.
Nakatanggap ang PRO3 (Police Regional Office Central Luzon) ng nasabing Majindra patrol vehicles na kung saan ipinamahagi naman sa iba’t ibang Provincial Police Offices.
Umaabot sa 131 Majindra patrol vehicles ang naibigay ng PNP National Headquarters sa PRO3.
Sa 131 Majindra, mayroon ng 33 unserviceable at dalawa ang totally hindi na serviceable dahil nabangga ito.
Maganda naman ang itsura nang ibigay sa PRO3 ang mga Majindra ngunit ilang buwan lamang ay nagmukhang pangit na ang iba.
Naging kontrobersya ang mga Majindra Patrol vehicles dahil sa laki ng overprice ng mga ito.
Noong Lunes, mayroon na naman inisyu ang PNP 32 brand new Toyota Patrol Hi-Lux Patrol Jeep Single Cab (4x2).
Ang turnover ceremony at blessing ng mga patrol vehicle ay isinagawa pagkatapos ng Monday flag raising.
Ibinigay naman ng PRO3 ang mga naturang behikulo sa mga police office ng Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga at Tarlac.
Sana naman pangalagaan ng mga nakatanggap ng mga brand new patrol vehicles at para magtagal naman ang mga ito at huwag gamitin ng pang-personal.
At sana bigyan naman ng pang-maintenance ng PNP logistics ang mga ito para hindi masira kaagad. Sayang ang pera ang bayan kung palagi na lamang bili ng bili ang PNP dahil nasisira kaagad...