Sapnu: Mga motorized tricycle, E-tricycle siga sa kalsada?

HINDI na yata masawata ang pagdami ng mga motorized at E-tricycle sa City of San Fernando.

Parang kabute na naglipana ang mga motorized at E-tricycle sa lungsod na kung saan sila pa ang “siga” sa kalsada.

Sa Barangay Sto. Rosario ng lungsod, dumarami na rin ang mga ito upang mamasada.

Karamihan pa sa kanila (motorized at e-tricycle) ay bumabagtas din sa kahabaan ng MacArthur Highway at Jose Abad Santos Avenue upang ihatid ang kanilang mga pasahero.

Hindi nila alintana ang mangyayari sa kanila kung mabangga ang mga ito ng mga behikulo.

At ang siste nito, sila ay nakikipag-unahan o nakikipagkarera pa sa mga behikulo sa kahabaan ng national highway.

Ang mga drayber ng mga ito ay walang pakialam kung mayroon mangyayari sa kanila sa kanila pakikipag-karera sa mga ibang behikulo. E paano naman ang kanila mga pasahero. E di wala silang konsensya?

Hindi naman mahuli ng mga PNP highway patrol group dahil ang dapat daw maaaring manghuli sa kanila ay ang local goverment units.

Mayroon tayo National Road Law na mahigpit pinagbabawal ang mga motorized at E-tricycle na dumaan sa mga pangunahing kalsada sa bansa.

Subali’t walang pakialam ang mga drayber ng motorized at E-tricycle dahil ang alam nila ay mamasada.

Ang mga traffic enforcer ng lungsod ay wala rin magawa sa mga naglipanang motorized at E-tricycle dahil wala yata utos sa kanila ng Local Government.

Darating ang panahon, baka mga motorized at E-tricycle ang magiging Hari ng Kalsada at ang mga pampasehero jeep ay mawawala na? Nagtatanong lang po...

Hangga’t maaga dapat umaksyon na si city mayor sa mga naglipanang motorized at E-tricycle.

***

Binabati ng Dateline si Chief Superintendent Leonardo Cesneros ang bagong talagang PRO-3 Deputy Regional Director for Administration (DRDA)

Pinalitan ni Cesneros si Senior Superintendent Christopher Tambungan na ni-relieve ni Chief Superintendent Amador Corpus, PRO-3 director.

August 1, naupo si Cesneros na galing ng PRO4-A bilang DRDA.

Si Cesneros ay miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) Class’86.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph