Sapnu: One-Strike policy matutupad kaya?

SA PAG-UPO ni General Archie Gamboa bilang Chief Philippine National Police (PNP) marami na itong inilabas na kautusan.

Isa sa mga kautusan ay ang One-Strike na ipatutupad sa mga Regional Police Director. Kapag hindi nila ito mapahinto ang illegal gambling at iba pang criminal activities sa kanilang area of jurisdiction kanyang sisibakin sa kanyang puwesto.

Maging ang mga Provincial Police Director at Chief of Polilce binalaan ni Gamboa na kapag hindi nila mapahinto ang illegal gambling at ano pang uri ng kiriminalidad sa kanilang area of responsibility, sibak kagad ang mga ito.

Ang One-Strike policy ni Gamboa ay sa lahat ng police directors na hindi nila mapahinto ang illegal gambling sa kanilang area of responsibility.

Matatandaan inatasan ni Chief PNP si Brigadier General Ronnie Montejo ng Quezon City Police District (QCPD) director na iresolba nto ang illegal gambling sa kanyang nasasakupang. Ito’y dahil sa ulat na laganap ang loteng at jueteng sa Quezon City.

Sang-ayon kay Gamboa, kapag hindi mga ito mapahinto ang illegal gambling at criminality as kanilang AOR ay sasampahan ng administrative sanctions ang isang Provincial Director o Chief of Police.

Bilaan din ni Gamboa ang mga police officers na sangkot sa illegal gambling at droga na kanya paiimbistiga at kapag napatunayan ang mga ito kanyang ididismis sa serbisyo.

Sang-ayon sa monitoring ng PNP Camp Crame, laganap pa rin umano ang illegal gambling sa Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon.

Sino sino kaya ang tatamaan ng One-Strike policy sa Police Regional Office-Central Luzon (PRO-3).Nagtatanong lang po.

Baka maraming mga police officers ang tatamaan ng One-Strike Policy kung sersoyo itong ipapatupad ni Chief PNP. Di po ba?

Totohanin naman kay ni Chief PNP ang kanyang One-Strike Policy? Nagtatanong lang po.

Sabi nga ng mga nakausap ng Dateline na mga Police Officers baka isang NINGAS CONGON lang iyan.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph