NOONG Police Service Anniversary (September 20) si Chief Philippine National Police (PNP) Director General Oscar Albyalde ang naging guest of honor and speaker.
Sa kanyang mensahe sa nasabing okasyon sa Police Regional Office (PRO)-Central Luzon personnel na lalo nilang dapat pa-igtingin ang Oplan Tokhang at Double Barrel.
Ito’y aniya, upang ganap mahinto ang illegal drugs sa bansa.
Matatandaan, ayon kay Albayalde ito ang hangarin ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na mawala na tuluyan ang illegal drugs sa bansa.
Sang-ayon kay Chief PNP, umaabot sa 145,000 drug personalities sa ilalim ng Oplan Tokhang/Double Barrel na inilunsad noon ni dating Chief PNP Director Ronald “Bato” Dela Rosa.
Kaya naman simula nang inilunsad ang Oplan Tokhang/Double Barrel marami ng Police Provincial/City Offices ang tumugon kaagad sa “order” ni Dela Rosa at ang resulta umabot na ilang libong drug personalities at naaresto.
Hindi na rin mabilang ang napatay na suspected drug pushers/users ang napatay matapos itong makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad, sang-ayon sa police report.
Dahil sa dami ng mga naarestong drug suspek, minabuti ng Pamahalaan na magtayo ng reformation center na kung saan umaabot na sa 56 ang naitayong nito sa iba’t ibang lalawigan sa iba’t ibang rehiyon partikular sa Central Luzon.
Inatasan din ni Albayalde na magsagawa ng checkpoint lalo na nitong papalapit na naman ang eleksyon para sa Oplan Bakal.
Sa nasabing anniversary, ilang mga senior police commissioned officer, junior non-commissioned officer at non-uniformed personnel ang binigyan ng award.
Special individual awards ang nabigay kina Senior Superintendent Ronalddo Llanera, deputy regional director for operations; Senior Superintendent Oscar Jacildo, chief ng police community relations division; Superintendent Jean Fajardo; Senior Superintendent Narvin Mangune, chief ng regional personnel resource division at Senior Superintendent Randy Arceo, chief ng regional logistics.
Special Unit Awards ang naibigay sa Bulacan Police Provincial Office; Nueva Ecija Police Provincial Office; Bataan Police Provincial Office; at Tarlac Police Provincial Office.
Hindi yata nabigyan ang Pampanga Police Provincial Office. Bakit kaya? nagtatanong lang po...