Sapnu: Pag-upo sa mga PD at CD by appointment na lang?

MULA nang maupo si Pangulong Rodrigo Duterte at pagkaka-upo ni Retired Ronald “Bato” bilang Chief PNP, nauso na ang pag-appoint sa mga itinatalagang police provincial director (PD) at city police director (CD).

Kung iyong matatandaan, maraming mga PD at CD ang naupo sa mga iba’t ibang lalawigan sa bansa sa pamamagitan ng pag-appoint?

Kagaya lang dito sa Central Luzon, ilang mga PD ang naupo sa pamamagitan ng pag-appoint.

Kagaya ni Senior Superintendent Joel Consulta, naupo siya bilang Pampanga Police Provincial director sa pamamagitan ng pag-appoint sa kanya.

Maging iyong mga chief of police ay naupo din ang mga ito sa pamamagitan ng pag-appoint.

At sa kasalukuyan, sina Senior Superintendent Chito Bersaluna ng Bulacan police provincial director at Senior Superintendent Nicolas Salvador ng Pampanga Police provincial director ay pawang naupo ang mga ito sa pamamagitan lamang ng pag-appoint, ayon sa mga police officer sa Dateline.

Sabi nga ng mga police officer, hindi na raw dumadaan sa Senior Police Officer Placement and Promotion Division (SPOPD) committee ng Camp Crame.

At wala na rin ibinibigay na listahan limang senior superintendents sa mga gobernador upang mamili ang mga ito kung sino gusto nilang maupo bilang police provincial director.

Mukhang nawala na ang “mandate” na kung saan bibigyan ng limang senior police officer list sa mga local government units.

Sang-ayon sa mga police officer, ang nangyayari ngayon sa pagtatalaga sa mga PD at CD ay sa pamamagitan na lamang ng pag-appoint.

Nawala na raw ang proseso sa PNP na kung saan ang lahat ng gustong mag PD o CD ay dadaan muna sa SPOPB at LGUs.

Malimit ang mga nauupo maging PD o CD ay sa pamamagitan na lamang ng pag-appoint.

Ganito na ba ang Policy ng PNP, sa pamamagitan na lamang ng pag-appoint? Nagtatanong lang po...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph