Sapnu: Pina-igting na kampanya sa illegal drugs ni Basilio

SIMULA nang maupo bilang chief of police ng City of San Fernando si Superintendent Levi Hope Basilio, lalo nitong pina-igting ang kampanya nito sa illegal drugs.

Matatandaang naupo si Basilio noong Hunyo 12 at pinalitan niya si Superintendent Ronald Agohoob.

At pag-upo ni Basilio, kaagad nitong pina-igting ang kampanya nito sa illegal drugs.

Hindi na mabilang ang mga naaresto at napakulong ni Basilio na mga drug suspek kaya naman halos mapuno na yata ang kulungan sa police station.

Maging iyong napatay na mga drug suspek ay hindi na rin mabilang sa mga sunod-sunod na mga buy-bust operation ni Basilio.

Nitong nakaraang Hulyo 17, isang drug suspek na naman ang napatay matapos itong makipagpalitan ng putok sa mga otoridad.

Ayon kay Superintendent Basilio, nagsagawa ng anti-illegal drug operation ang Special Drug Enforcement Unit na pinamumunuan ni Chief Inspector John Pineda laban kay alyas Raven sa Northville 14, Barangay Malpitic ng lungsod.

Ang suspek ay nakahalata umano na ang kanyang buyer ay isang police officer kaya naman nagbunot ng kanyang short gun at pinaputukan ang mga otoridad.

Nang gumanti ng putok ang mga pulis tinamaan si Raven, ayon pa kay Basilio.

Kaagad naman dinala sa malapit na ospital ang suspek nguni’t binawian din ito.

Sa isang panayam kay Basilio, kanya din pa-iigtingin ang kampanya laban sa mga riding-in-tandem.

Halos gabi’t araw ang isasagawa ng City of San Fernando police mga checkpoint para sitahin ang mga riding-in-tandem.

Simula nang maupo si Basilio, naging peaceful and orderly ang City of San Fernando.

Sana Superintendent Basilio, ipagpatuloy lang ninyo ang inyong sinimulang mga kampanya laban sa illegal drug at iba pang illegal activities sa lungsod.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph