Sapnu: Sa kabila ng pandemic PRO3 patuloy sa kampanya laban sa illegal drugs

TULOY-TULOY ang kampanya laban sa pinagbabawal na gamot ang Police Regional Office-3 (PRO3).

Ito ang ipinahayag ni Brigadier General Valeriano De Leon, PRO3 director, na kung saan inatasan nito ang lahat ng Provinical at City police director na ipagpatuloy ang kanilang kampanya laban sa illegal drugs.

Kaya naman sa direktiba ni De Leon, hindi tumitigil ang mga Provincial at City police directors sa kanilang kampanya laban sa pinagbabawal na gamot.

Nitong pagpasok 2021, hindi na mabilang ang naarestong mga drug pushers at ang pagsampa ng PNP kaukulang kaso laban sa mga suspek.

Patuloy din ang monitor ng Provincial at City directors sa mga pinaghihinalaang sangkot sa illegal drugs.

Batay sa police report, nangunguna ang Angeles City Police Office sa pamumuno ni Colonel Rommel Batangan na kung saan simula nang maupo ito ay hindi na mabilang ang kanilang isinagawang buy-bust operation at ang dami ng naarestong drug personalities.

Ilan milyon piso halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nakumpiska ng Angeles City Police Office. Noong Huwebes, lamang pitong drug suspects ang naaresto ng Angeles City Police.

Pumapangalawa naman ang Olongapo City Police Office sa pamumuno ni Colonel Randy Arceo. Halos isang buwan pa lamang nakaupo si Arceo ay marami na itong nahuling drug suspects sa kanyang area of responsibility.

Nagkaroon lamang isang kontrobersyal sa isang buy-bust operation na isinagawa ng kanyang Police Station 4 kaya naman kaagad ni-relieved ni Arceo ang hepe.

Ang Nueva Ecija Police Office sa pamumuno ni Colonel Marvin Joe Saro, ang pumapangatlong pinakamaring nahuling drug pushers sa sunod sunod nitong buy-bust operation. Ilang mga suspek ang nasawi sa buy-bust operation matapos manlaban ang mga ito sa operatiba.

Ang Bulacan Police Provincial Office ang pang-apat na maraming naarestong drug suspects at mga nakumpiskang shabu.

Iyong ibang Provincail Police Offices ay mayroon din nahuhuling drug pushers sa kanilang area of responsibility hindi lang kagaya ng mga apat na nabanggit na Police Offices.

Sa obserbasyon ng PNP, hindi na bumababa sa P200,000 ang nakukumpiska ng mga operatiba sa mga drug suspects. Bakit kaya malalaking halaga na ang nakukumpiskang shabu? Nagtatanong lamang po...

Sa laking halaga ng shabu nakukumpiska sa mga drug suspects, saan naman nila kaya nakukuha? Nagtatanong lang po...

Sabi nga ng ilang police officers, hindi na biro ang malalaking nakukumpiska nilang shabu sa mga buy-bust operation.

Nakakabahala na raw sa volume ng shabu nakukumpiska ng PNP sa mga buy-bust operationsa sa Central Luzon, ayon sa ilang police officers.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph