P686.6 milyon at P204 milyon shabu nakumpiska

SunStar Sapnu
SunStar Sapnu
Published on: 

Nitong nakaraang linggo, pagkatapos ng Midterm Elections, malalaking halaga ng shabu ang nakumpiska ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Noong Mayo 14, umaabot sa 101 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P686.6 ang nakumpiska ng pinagsanib na tauhan ng PNP at PDEA sa isang buy-bust operation sa kahabaaan ng Friendship highway, Barangay Sto. Domingo, Angeles City.

Kasama ng PNP at PDEA ang Armed Forces of the Philippines (AFP) counter Intelligence Group, PRO3 Regional Intelligence Division; PRO3 Drug Enforcement Enforcement Unit-3; at Angeles City police sa isinagawang buy-bust operation na kung saan dalawang High-Value Individuals (HVI) ang naaresto.

Ang mga suspek ay nakilalang sina alyas Wang, 31. residente ng Clark, Pampanga; at alyas Shania, 24, ng San Sebastian, Tarlac City na kapwa nahaharag ng kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

At noong Mayo 16, umaabot sa 30 kilo ng shabu nagkakahalagang P204 milyon ang nakumpska ng PNP at PDEA sa buy-bust operation sa Barangay Minuyan, Norzagaray, Bulacan.

Tatlong shabu pushers na nakilalang sina alyas Jessie, 44, ng Cavite; Tina, 36, ng Quezon City at Jess, 21, ng Cavite ang naaresto ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation.

Samantalang ang target ng mga operatiba na si alyas Tongo, isang Chinese national ay nakatakas? Bakit kaya? Nagtatanong lang po.

Iniimbestigahan ngayon ng PRO3 ang posibleng koneksyon ng nasabing grupo sa dalawang isinagawang buy-bust operation sa Angeles City at Bulacan.

Ayon sa pahayag ni Brig. Gen. Jean Fajardo, Police Regional Office-3 (PRO3) director, papaigtining ng PNP ang kampanya kontra droga sa buong Central Luzon.

Bakit kaya pagkatapos ng Midterm Elections doon nangyari ang malalaking halaga ng shabu ang nakumpiska ng PNP at PDEA? Nagtatanong lang po.

At paano po nakakalusot sa mga awtoridad ang malalaking halaga ng shabu narekober sa Angeles City at Bulacan? Nagtatanong lang po.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.

Videos

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph