Upang lalong maging epektibo ang disaster response ng mga PNP sa anumang sakuna sa rehiyon, naglaan ng Php400,000.00 ang Police Regional Office-3 (PRO3) para sa mga bagong equipment.
Kabilang sa mga bagong equipment ay 440 life vests and 440 ABS hard hats.
Ang mga ito ay pinoduhan ng PRO3 sa pamumuno ni Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr.
Ipinamahagi ni Hidalgo ang mga equipment sa mga Provincial Offices ng Bataan, Bulacan and Pampanga. Itong tatlong lalawigan ang malimit na binabaha tuwing may malakas na bagyong dumarating.
Ito'y upang matugunan kaagad ang pagresponde sa mga nangangailan ng tulong sa mga apektado ng baha.
Sa pamamagitan ng mga bagong equipment, sang-ayon kay Hidalgo upang matiyak ang agaran pagresponde at lalong maging epektibo ang mga PNP disaster personnel sa anumang sakuna.
POGOs ginagamit ng mga sindikato droga?
Pinaniniwalaan ng House of Representatives na ginagamit ng mga drug syndicate ang illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) para sa umano sa "money laundering."
Sa pahayag ni Rep. Robert Ace Barbers, chair ng House committee on dangerous drugs sa isang briefing kamakailan sa lalawigan ng Pampanga.
Ang batayan ni Barbers ang iyong daw "registered corporations whose incorporators are the same incorporators" ng may-ari ng isang warehouse na kung saan mahigit sa P3.6 bilyon ang nakumpiska noong 2023 sa Mexico, Pampanga.
Sang-ayon kay Barbers ang Empire 99 na pag-aari ng illegal drugs sa Mexico ay pareho umano "associates' sa mga POGOs.
Maraming illegal activities sa POGOs kaya ibig ni Pangulong Marcos Jr., ipa "ban" ang mga ito....
Kaya naman "ban" ni BBM ang mga POGOs sa bansa lalo na maraming nakikinabangan dito? Ito po ang malaking katanugan?
At bakit di nalaman ng LGUs ang illegal POGOs sa Pampanga at Tarlac? Nagtatanong lang po...