Php802 milyon shabu narekober

SunStar Sapnu
SunStar Sapnu
Published on: 

Isa naman malaking halaga ng shabu ang narekober sa Central Luzon.

Matandaan noong Hunyo 2 nitong taon nakarekober ang mga awtoridad ng malaking halaga ng shabu na lumulutang sa seawater ng West Bajo de Masinloc, Zambales.

At nitong Agosto 14, umaabot sa Php802 milyon halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska ng Bataan Police at ibang concerned agencies sa shoreline ng Barangay Sisiman, Mariveles, Bataan.

Ayon sa report ni Col. Marites Salvadora, Bataan police provincial director kay Brig. Gen. Ponce Rogelion Penones Jr., Police Regional Office-3 (PRO3) director, umaabot sa anim na sako ng shabu na naglalaman ng 118 packs may bigat na 118 kilograms ang narekober sa nasabing shoreline.

Ayon kay Col. Salvadora isang concerned citizen ang nagbigay ng inpormasyon sa Mariveles Police. Kaya kaagad siya nagpapunta ng mga personnel ng PNP ng Mariveles, Bataan Provincial Drug Enfocement Unit, Regional Intelligence Division (RID3) at Bataan Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ang nasabing shabu ay malapit lang sa lighthouse kung saan doon nadiskubre ang mga sako ng shabu.

Ayon kay BG. Penones ang illegal items ay na turn-over na kay Lt. Col. Amilyn Maclid ng Bataan Forensic Unit para sa laboratory test.

Noong Mayo 29, nitong taon, ang boat captain na si Dennis Sumayo ng Barangay Sisisman, Mariveles at ng kanyang crew habang naglalayag sa West Bajo de Masinloc ay nakakita ng lumulutang na mga sako.

Nang buksan nila ang mga sako lumantad ang mga packaging na naglalaman ng shabu.

Ang nasabing narekober na shabu ay umaabot sa Php1.5 bilyon, ayon sa report.

Mukha yatang ginagawang tapunan ng shabu ang West Bajo de Masinloc at sino naman ang may gawa nito? Nagtatanong lang po.

Dapat nag tutukan ng mga awtoridad ang "floating shabu" sa atin karagatan.

Ang tanong bakit dito sa Centra Luzon natatagpuan ang "floating shabu."at hindi sa ibang rehiyon? Nagtatanong lang po.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.

Videos

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph