Iniimbestigahan ngayon ng Pampanga Police Provincial Office (PPPO) ang isang PNP officer sa isang sexual harrassment na ginawa umano nito sa isang Policewoman.
Sa report na nakuha ng Intelligence Officer (IO) ng Dateline, nangyari ang ginawang acts of lasciviouness ng Police Officer noong Agosto 11 nitong taon.
Sang-ayon sa salaysay ng biktima (Policewoman), isinama ng Police Officer ito upang magresponde sa isang insidente sa Lady of Lourds Shrine sa Barangay Cabalantian, Bacolor.
Sumakay ang biktima sa behikulo ng suspek (Police Officer) upang magresponde.
Pagkatapos magresponde, tinanong ng suspek ang biktima na sumama sa kanya sa Guagua detention facility para kumuha ng mga larawan para sa kanyang proyekto sa schooling.
Nang pabalik na sila sa Bacolor Police Station, bigla umano hinawakan ng suspek ang katawan ng biktima.
Sang-ayon pa sa salaysay ng policewoman, noong Agosto 9 nitong taon din, inaya siya ng suspek mag-inspeksyon sa COMPAC sa mega dike.
Habang tumatakbo ang behikulo, tinanong ng suspek ang biktima kung ok lang ang One Night Stand.
Dinala ng suspek ang biktima sa isang Motel?
Sang-ayon sa Pampanga Police, masusing iniimbestihan nila ang naturang pangyayari para masampahan ng kaukulan kaso ang suspek.
Sino ang nasabing Police Officer at ito ba ay kakasuhan ng Pampanga Police? Nagtatanong lang po.
Abangan po natin ang kung sino ang nasabing Police Officer.