Sinalakay ng personnel ng Philippine Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isang POGO firm sa Bamban, Tarlac.
Umaabot sa 658 foreign nationals at Filipino workers ang naaresto sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO), ayon sa report.
Nasa 383 Filipinos, 202 Chinese nationals, 54 Vietnamese, 13 Malaysians, dalawa Indonesians, dalawa Rwandans, isang Taiwanese at isang Kyrgyz.
Ang mga ito ay natatagpuan sa Internet Gaming licensed hub Zun Yuan Technology Incorporated sa isang compound sa Banban, Tarlac.
Nakarekober din ng magagandang 34 behikulo sa nasabing compound, ayon sa report.
May permit kaya ang POGO firm sa pamahalaan ng Bamban, Tarlac??? Nagtatanong lang po...
Di siguro nagsasagawa ng pag-inspeksyon ang Bamban LGU sa nasabing POGO firm na kung saan mayroon illegal acitivities ginagawa dito??? Nagtatanong lang po...
Kung magsasagawa lamang ang PAOCC sa iba pang POGO firm baka marami pa itong maarestong mga dayuhan na walang kaukulang dokumento...
Di lang sa Bamban, Tarlac na may POGO firm sa ilang lungsod sa Pampanga at ibang bayan mayroon din nag-ooperate... Ang tanong may kaukulang "permit" ba ang mga ito??? Nagtatanong lang po...
Patuloy pa rin ang pagtatapon sa ilog ng toxic waste
Hanggang kasalukuyan patuloy pa rin ang pagtatapon ng toxic waste ang isang Melting Plant sa Industrial Park sa San Simon, Pampanga.
Sang-ayon sa source, hindi pa rin huminto ang nasabing Melting Plant ng kanyang toxic materials sa Pampanga river.
Marami ng namamatay na isda sa ilog dahil sa toxic materials, ayon sa source.
Matatandaan noong Enero pa pina-iimbestiga ng Federation of Philippines Industry Inc. (FPII) ang pagtatapon na Toxic Materials ng isang Melting Plant.
Ito ang ibinunyag ni Jesus Arranza, chairman ng FPII nang inireklamo ng mga residente ang pagtatapon ng toxic wastes sa Pampanga river ng isang Melting plant.
Sang-ayon kay Arranza, nagiging sanhi ng fish kills ang nasabing toxic materials.
Alam ba ng San Simon LGU ang melting plant sa loob ng Industrial Park na nagtatapon ng toxic waste??? Nagtatanong lang po..
Ano kaya ginagawa ng alkalde ng San Simon sa mga reklamo ng kanyang constituents??? Nagtatanong lang po....
Bakit hanggang ngayon patuloy ang operasyon ng Melting Plant sa kabila ng mga reklamo ng mga residente??? Nagtatanong lang po...