Noong Agosto 29 (Sunday) isang robbery incident ang inireport ng Bulacan Police Provincial Office (BPPO) na kung saan isang Police Major at dalawang kasamahan ang naaresto nito na sangkot umano sa naturang insidente.
Batay sa report ng BPPO, pito armadong lalaki pinasok ang PILLCOPO Sonchel Parma Company sa Casa Royal Subdivision San Ildenfonso, Bulacan.
Ang mga suspek nagkunwaring hihingi ng "financial assistance" sa nasabing kumpanya nguni't biglang pumasok ang mga ito sa kabahayanan sa loob ng compound.
Idineklara ng mga suspek ang "holdup" at tinangay ang anim na iba't ibang klase ng cellpones, lady bags, lady watch, Leonovo laptop and di malaman na cash.
Sumibat kaaagad ang mga suspek sakay ng isang Toyota Innova at Toyota Altis patunong Balagtas bypass road.
Nagsagawa naman kaagad ng pagtugis ang BPPO at naaresto sina Police Major Armando Reyes nakatalaga sa Hagonoy Police; Polic Staff Sergeant Ronnie Galion ng Sta. Maria Police; at Staff Sergeant Anthony Ancheta ng Malolos Police.
Tatlong cellpones ang narekober sa mga suspek, ayon sa report ng BPPO.
Sa report ng BPPO, pito umano ang nag-holdup sa naturang kumpanya...Nasaan ang apat na iba pa? At large ba??? Nagtatanong lang po....
Ipinahayag naman ni Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., Police Regional Office-3 (PRO3) director, walang cover-up mangyayari sa nasabing robbery/holdup ikinasasangkutan ng Unipormado.
Dahil mga PNP personnel ang sangkot sa nasabing robbery/holdup, nasira na naman ang "Image ng PNP." Paaano naman umano umasa o magtiwala ang mga Kababayan natin sa PNP kung maging sila ay gumagawa ng "illegal activities."
Hindi ba manghihinayang ang isang Police Major baka dahil sa kanyang kinasasangkutan ay maaari itong madimis sa serbisyo??? Ang hirap pa naman abutin ang rangkong Major sa isang iglap baka matanggal ka sa serbisyo???
Grabeng trapik sa Mcarthur highway
Noong nakaraang Linggo, grabeng grabe trapik ang naranasan ng mga motorista.
Nagsimula ang trapik sa Dolores Intersection ng City of San Fernando hanggang sa St. Jude.
Sa sobra grabeng trapik ang motorista ay umabot halos mahigit isang oras bago makarating sa St. Jude....Ganyan po ang ginawa ng grabeng trapik noon.
Sang-ayon sa mga motorista, wala umano silang traffic enforcers sa kahabaan ng trapik noon.
Karamihan pa naman dumadaan dito ay mga Passenger Buses; Quarry Trucks at Trailer Trucks patungong Olongapo City.
Dito pinadadaan ang mga ito ng Traffic Management dahil ang "fly-over" sa Dolores intersection di na nila pwedeng daanan dahil di na kaya ang mga heavy vehicles.
Maging ang "fly over" sa may Lazatin Boulevard ay di na rin pinadadaanan sa mga heavy vehicles.
Ano na kaya ang ginagawa ng Traffic Management sa grabeng trapik nararanasan ng mga motorista??? Nagtatanong lang po...
At ano naman ang masasabi ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ng Central Luzon sa mga ginawa nilang mga "fly-over." Nagtatanong lang po....
Sana nang ginawa ninyo ang dalawang nasabing "fly-over" tinibayan ninyo???