PrimeWater ni Villar dapat ng alisin

SunStar Sapnu
SunStar Sapnu
Published on: 

Marami ng mga Fernnandinos/Fernandinas ang matagal ng nagrereklamo sa PrimeWater ng City of San Fernando.

Karamihan sa mga sumbong at nirereklamo natatanggap ng Dateline sa mga Consumers ng Prime Water na pag-aari ng Villar family, ay maruming tubig dumadaloy sa kanilang giripo. Mahina daloy ng tubig lumalabas sa giripo.

Ang daloy ng tubig sa kanilang giripo ay mukhang malakas pa raw ang ihi ng palaka, daig ng mga Fernandino. Lumalakas lamang ito pagsapit ng 10:00 ng gabi hanggang 3:00 madaling araw.

Kapag naglaba sa "washing machine" ang mga nanay ay sa 10:00 ng gabi at 3:00 am.

Ilan beses na raw nasisira ang kanilang mga washing machine dahil sa mahinang daloy ng tubig bukod pa marumi ito.

Kung inyong matatandaan ian besews ng binatikos ng Dateline ang PrimeWater dahil sa masamang serbisyo nito.

At simula noon wala naman ginagawang aksyon ang PrimeWater sa kabila-kabilang reklamo ng mga Fernandinos. Sabi nga ng mga Fernandinos/Fernandinas "tama na sobra" ang pasakit ng Prime Water.

Sabi nga nila ibalik na lamang sa City of San Fernando Water District dahil noon ang lungsod ang namamahala walang reklamo ang mga Fernandinos.

Sa natatanggap mga reklamo ni Mayor Vilma Caluag sa kanyang mga kababayan, siya mismo ang nagtungo sa Senado upang ireport ang masamang serbisyo ng PrimeWater.

Sabi nga niya "palayain ang City of San Fernando sa PrimeWater Joint Venture....Matagal na nagtitiis ang mga Fernandinos sa pasakit ng PrimeWater.

Nanawagan si Mayora Caluag sa Senate Committee on Public Services noong Septiembre 29 na kung saan mariin iginiit nito "palayain ang San Fernando sa PrimeWater Joint Venture.

Sana umaksyon kaagad ang Senate Committee on Public Services para makalaya na ang mga Fernandinos/Fernandinas sa pasakit ng PrimeWater ni Villar.

Bakit naman nagkaroon ng Joint Venture ang San Fernando Water District noon? Hindi naman ito nalulugi>

Sino sino kaya ang may pakana sa nasabing Joint Venture? Sino sino ang nakinabang? Nagtatanong lang po...

Mabuhay po kayo Mayora Vilma kapag napalaya na ang San Fernando sa mga Villar.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.

Videos

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph