PRO3 -1,000 pulis idineploy para sa Observance ng Holy Week

PRO3 -1,000 pulis idineploy para sa Observance ng Holy Week

Umaabot sa 1,000 miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang ideneploy sa iba't ibang strategic areas sa Gitnang Luzon.

Sang-ayon kay Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., Police Regional Office-3 (PRO3) director, noong Marso 25 ideploy na ang mga nasabing PNP personnel at mga ito'y hanggang sa Marso 31.

Ito'y matiyak ang kaligtasan ng publiko nitong Mahal na Araw na kung saan maraming nag-uuwian sa kani-kanilang lalawigan.

Mayron din mga pulis na ideneploy sa mga bus terminals na kung inaasahan ang pagdagsa ng publiko para maging siguridad ito sa kanila, ayon pa kay Hidalgo.

Maging sa mga simbahan at iba pang pilgrimage ay nagdeploy din tayo ng mga PNP uniform personnel at naka-sibilyan, pahayag ni Hidalgo sa Dateline.

Ang mga idineploy na mga pulis ay galing sa mga Provincial at City police offices sa rehiyon, ayon pa kay Hidalgo.

Katulong ng mga nasabing pulis ang mga Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) at Radio net groups upang matiyak ang kaligtasan ng publiko, payahag pa ni Hidalgo.

Sa mga strategic areas, mayroon din nakadeploy mga pulis para sa foot at mobile partrols at nakalagay na mga Police Assistance Desks/Centers.

Sa kahabaan ng mga national highways nagtayo ang PRO3 ng mga Police Assistance Centers para sa mga motorista na maaaring ma-aksidente.

Pina-alalahanan ni BG Hidalgo ang publiko na maging alerto para di sila maholdap o masalisihan nitong Mahal Na Araw na kung saan maraming di kaaya-yang kababayan natin na maaaring magsamantala.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph