Sa pag-upo noong Lunes ni Chief PNP Gen. Nicolas Torre, posibleng magkaroon ng malawakang pagbalasa sa hanay ng mga ranking police officer.
Siyempre uunahin ni Gen. Torre ang mga Regional Police Director at pagkatapos ay ang mga police unit.
Sa pagbaba ni dating Chief PNP Gen. Rommel Marbil, mayroon din aakyat sa mataas na posisyon sa hanay ng PNP sa national headquarters sa Camp Crame.
At kapag napalitan na ang mga Regional Police Director, susunod naman ang pagbalasa sa mga Provincial Police Director.
Kapag napalitan ang mga Provincial Director, tiyak na magkakaroon ng pagbalasa sa mga Chief of Police.
Itong ang SOP sa PNP, kapag bago ang Chief PNP, natural lamang na mga "bata" nito ang bibigyan ng "break" sa matataas na posisyon.
Abangan na lang po natin ang maaapektuhan sa pagbalasa.
Fajardo next CIDG director?
Inaasahan na si Central Luzon police director, Brig. Gen. Jean Fajardo, ang papalit sa puwesto ni Chief PNP Gen. Nicolas Torre.
Ito ang matunog na balita na kung saan mismong si Gen. Torre ang nagpahangin noong Turn Over Ceremony sa Camp Crame.
Maraming nagtanong na Media People kung si BG. Fajardo ba ang next CIDG director?
Ngumiti lamang si Torre at sabay tingin nito kay BG. Fajardo.
Noong CIDG director pa si Torrre, matunog na ang pangalan ni BG. Fajardo. Ang balita noon kapag naging Chief PNP si Torre, siya ang papalit sa kanya.
Magkaibigan matalik sina BG. Fajardo at Gen. Torre.
Congrats BG. Fajardo bilang next CIDG director.