Robbery/Hold-up sa Pampanga

 Robbery/Hold-up sa Pampanga
Published on

Dahil nalalapit na ang Kapaskuhan, inaasahan ang "rampant" ang Robbery/Hold-up sa iba't ibang rehiyon.

Ganito ang nangyayari kapag nalalapit na ang Holiday Season na kung saan nagiging "rampant" ang Robbery/Hold-up.

Sa ilang taon na nagkokober ang Dateline sa Police Regional Office-3 (PRO3), maraming nairereport na ganitong insidente sa Central Luzon.

Nitong nakaraang Nobiyembre 18, apat na armadong lalaki ang kanilang pinasok ang Road Side 9 restaurant sa Lazatin Boulevard, Barangay San Juan, City of San Fernando.

Ang mga suspek pumasok sa nasabing restaurant at dineklara nila ang Hold-up. Kinuha ng mga suspek ang cash at mahahalaga kagamitan ang lahat ng mga kustomer nito at maging ang mga staff ng establistamento.

Pagkakatapos, sumibat ang mga suspek sakay ng isang puting Hyundai Tucson patungong panghilagang direksyon, ayon sa police report.

Sa araw din ng Nobiyembre 18, nilooban ang CW Home Depot ng City of San Fernando.

Sang-ayon sa police report, gumawa ng "tunnel" ang mga suspek patungo sa nasabing Depot. Ang insidente ay nangyari ng dakong 2:40 hanggang 4:00 ng madaling araw.

Sinira ng mga suspek ang "floor" at kanilang sinira ang ATM machine na pag-aari ng Metrobank at doon nilimas ang cash nito.

Di pa kontento ang mga suspek, pinasok din nila ang "admin office" ng depot at sinira din ang padlock. Umaabot sa Php300,000 ang nakulimbat ng mga ito.

Dumaan at tumakas ang mga suspek sa ginawa nilang "tunnel."

Pinag-iingat ni Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., PRO3 director ang mga may-ari ng mga establistamento at maging alerto nitong Holiday Seasons.

Reklamo ng mga establistamento at motorista sa DPWH3

Simula ng ginawa ng Department of Public Works ang Highways (DPWH3) ang kalsada sa kahabaan ng Barangay Dolores, City of San Fernando, naging sobrang grabe ang daloy ng trapiko.

Ang nasabing konstruksyon ay nagsisimula sa may Jun's Jun restaurant hanggang sa may 7-11.

Grabeng trapik ang nararanasan ng mga motorista sa nasabing ginagawa ng DPWH3.

Sang-ayon sa mga nakausap ng Inyong Lingkod, kung kailan Holiday Seasons ay doon pa ginagawa ng DPWH3 ang nasabing kalsada.

Kung tutuusin maayos naman ang nasabing kalsada at hindi pa naman dapat gawin, ayon pa sa mga motorista.

Hindi lang mga motorista ang naapektuhan sa nasabing konstruksyon, maging ang mga establistamento sa paligid ng kalsada ay nawalan na rin ng mga kustomer dahil wala ng maparadahan.

Umiiyak na rin ang mga may-ari ng mga establistamento dahil kumonti ang kanilang mga kustomer.

Mr. DPWH3 bakit itanaon ninyo Holiday Seasons ang paggawa ninyon sa nasabing kalsada??? Nagtatanong lang po....

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph