Sa pagsabok ng butane sa Police Station sino ang may pananagutan?

SunStar Sapnu
SunStar Sapnu
Published on

Noong nakaraang linggo, isang malakas na pagsabok ang nangyari sa loob mismo ng San Simon Police Station.

Pitong katao kabilang ang hepe ang nasugan sa nasabing pagsabog

Sa isinagawang imbestigasyon ng Pampanga Police Provincil Office (PPPO), nagluluto umano ang ilan personnel doon para sa kanilang tanghalian.

Nagluluto umano ang ilang personnel sa loob ng San Simon Police Station gamit ang isang portable gas stove na may butane nang bigla umano sumabog ito, ayon sa report ni Col. Jay Dimaandal, PPPO provincial director.

Lahat ng mga PNP personnel at dalawang sibilyan ang nagkaroon ng first degree burns na agad naman itinakbo sa ASCOM hospital sa bayan ng Apalit.

Nagresponde sa pagsabog ay ang San Simon, Pampanga Bureau of Fire Protection na sila mismo ang nagdala sa nasabing pagamutan.

Sa isinagawang imbestigasyon nagkaroon umano ng leak ang butane nang ito'y ikinabit sa portable gas stove.

Ang mga nagtamo ng first degree burns ay sina Maj. Leonardo Lacambra, hepe; Staff Sergeant Mary Jane Genobili; Staff Sergeant Jay-R M Mabborang; Non-Uniformed Personnel (NUP) Rolalyn Pascua; NUP Marvin Novestera at dalawang sibilyan na sina Rowena Ignacio Celestial at Euis Pauig.

Bilang reaksyon ni Col. Dimaandal, kayang inatasan ang lahat ng kanyang hepe inspeksyunin ang lahat ng tindahan sa lalawigan nagbebenta ng butane.

Ang tanong po dito, bakit may dalawang sibilyan sa nasabing police station? Sila ba ay kasama sa nasabing personnel sa San Simon Police Sation? Nagtatanong lang po.

Nagluluto lang ba sila para sa kanilang tanghalian o dili kaya may malaking handaan doon? Iyan po ang malaking katanungan?

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph