Sobrang grabeng trapik sa CSF wala pang solusyon???

 Sobrang grabeng trapik sa CSF wala pang solusyon???

Hindi na naiiba ang City of San Fernando sa kalagayan ng trapiko sa Metro Manila.

Araw-araw na ang grabeng trapik nararanasan ng mga motorista sa kahabaan ng Mac Arthur highway at Jose Abad Santos Avenue.

Kada rush-hour mula sa Barangay Telebastagan hanggang sa Barangay Dolores ng lungsod ang nararanasan ng mga motorista grabeng trapik.

Ang kalagayan ng trapiko sa CSF ay nagmumukha na rin sa grabeng trapik sa Manila.

Isang dahilan pa ng grabeng trapik ay ang ginagawang konstruksyon ng Department of Public Works and Highways (DPHW3).

Halos dalawang linggo naranasan ng mga motorista ang grabeng trapik mula sa may St. Jude (Dolores) hanggang sa Intersection.

E sabi nga ng mga motorista, maayos pa naman ang nasabing kalsada bakit ginagawa ito??? Tanong po nila....

Bakit iyong masama na ang kalsada ang gawin nila??? Tanong po nila...

Nanawagan ang mga motorista na aksyunan naman ni Mayor Vilma Caluag ang grabeng trapik sa kanyang nasasakupan.

Smelting Plant sa bayan ng San Simon

Nanawagan sa kinauukulan si Dr. Jesus Arranza, chair ng Federation of Philippine Industries (FPI) ukol sa isang smelting plant sa San Simon na ipasara ito.

Ito dahil sa tinatapon na "toxic waste" sa Pampanga river na kung saan nagiging sanhi ng "fish kill" sa nasabing bayan at mga kalapit nito.

Galing umano sa ginagawang "batteries" ng smelting plant at tinatapon nito ang "toxic materials" sa ilog, ayon kay Arranza.

Ang tinatapon na "toxic waste" dahilan ng "fish kills" sa ilog at nagiging "serious health risks" sa mga residente sa ilang barangay sa San Simon.

Napag-alaman ni Arranza ang nasabing pagtatapon ng toxic waste sa nang nakapanayam nito ang Barangay chairman ng nasabing bayan.

Ang nasabing smelting plant ay nakatayo sa Global Industries Park na tutuusin mga warehouse lamang ang dapat nakatayo dito.

Ang tanong ni Arraza, mayron kaya "permit to operate" ang nasabing smelting plant???

Ano kaya ang aksyon ni Mayor Bryan Viray sa nasabing problema??? Di ba alam ni mayor na mayroon smelting plant sa kanyang area??? Nagtatanong lang po...

Perwisyo sa mga residente ng San Simon ang nasabing smelting plant at kailan kaya gagawa ng aksyon si mayor??? Nagtatanong lang po...

***************************************************************************************************************

JASHS Class '70 - 54th Annual Reunion

Sa darating na Pebrero 24 ang 54th Annual Reunion ng Jose Abad Santos High School (JASHS) na ngayon Pampanga High School.

Gaganapin ang nasabing Reunion sa Otel Pampanga sa may Lazatin Boulevard, Barangay Dolores, CSF.

7:00 ng umaga magsisimula ang Registration at aabot hanggang 7:00 p.m. ang programa.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph