Mahigit ng dalawang linggo ang pagkaka-upo ni PNP Chief General Rommel Francisco Marbil nanatili pa rin sa kanilang puwesto ang mga Regional Police Director.
Matatandaan noong Abril 1, naupo si Gen. Marbil bilang kapalit ni Out-Going Gen. Benjamin Acorda na kung saan halos tatlong buwan itong pinalawig ni BBM ang kanyang termino.
Bago pa sana bumaba sa kanyang puwesto si Acorda, inaasahan na magiging Officer-In-Charge pa si Lt. Gen. Emmanuel Peralta, ang Deputy Chief for Administration sa dahilan wala pa umano napipili si BBM.
Nguni't maraming nagulat na mga Lt. Gen. at Maj. General sa biglaan pagkakaluklok ni Marbil nang dumating si BBM.
Sang-ayon sa Intelligence Officer (IO) ng Dateline, kahit na raw si Marbil di nito inaasahan na siyang ipapalit kay Acorda noong araw na iyon.
Kaya naman nang dumating sa PNP headquarters si Marbil ay nakasuot lamang ito ng Blue Duck Uniform.
Samantalang sina Peralta, Lt. Gen. Michael John Dubria, Deputy Chief for Operations at Lt. Gen. Jon Arnaldo, the Chief for Directorial Staff ay pawang naka white duck uniform.
Dapat talaga naka White Duck Uniform ang mapipling next Chief PNP kaya naman laking gulat nitong si Marbil.
Kung tutuusin si Marbil ay mayroon ranggong Major Gen. samantalang sina Peralta, Arnaldo at Dubria mga Lt. Gen.
Kaya naman marami na naman nilampasan na mga Senior Officer si Marbil.
Hanggang sa sinusulat ang Kolum na ito, wala pang ginawang balasahan sa mga Police Regional Director.
Mukha yatang nagsasagawa pa ng malawakang "evaluation" si Gen. Marbil sa kanyang mga Police Regional Director.
Abangan kung sino-sino ang tatamaan ng balasahan kung sakaling mag-iba ang isip ni Bagong Chief PNP......
2nd district Board Member tatakbo alkalde
Nitong nakaraang linggo, nag-transfer voter registration si Pampanga 2nd district board member Mylyn Pineda-Cayabyab sa City of San Fernando.
Nitong Abril 15, nag-resigned si Cayabyab at kinabukasan kasama ang kanyang tatay at kanyang asawa sabay silang pumunta sa Commission on Election upang i-transfer nila ang voter registration sa nasabing lungsod.
Kaya naman maraming Fernandino/Fernandina nagtatanong kung tatakbong ng pagkana- Alkalde ng City of San Fernando si Cayabyab....Nagtatanong lang po.....
Abangan po natin.....