Pinagmalaki ni BG. Jess Mendez, Police Regional Office 3 (PRO3) na walang naganap na malaking untoward incident noong nakalipas na UNDAS sa Central Luzon.
Ito ang naging resulta na pina-igting segurida ng mga Provincial at Ctiy police directors sa kani-kanilang area of responsibities, ayon kay BG. Mendez.
Matatandaan Oktobre 31 nag-deploy ng halos 13, 000 personnel kabilang ang multiplier force upang tutukan ang seguridad sa mga sementeryo sa rehiyon.
Dalawa hanggang apat na personnel ang itinalaga sa bawat mga sementeryo upang matiyak ang safety sa mga dumagsa publiko.
Nagtayo din ng Police Desk Assistance sa bawat sementeryo public at private upang mag assist sa mga dumadalaw sa kanilang mahal na yumao.
Ayon kay BG. Mendez dahil sa pina-igting na seguridad ng PRO3 walang nangyari untowards major incident nitong nakaraang UNDAS.
Congrats BG. Mendez naging peaceful and orderly ang UNDAS 2026..
Highest Record ng mga naarestong WPs
Sa kauna-unahang record sa mga naarestong wanted persons umabot sa 1,503 naaresto ng PRO3.
Ito'y nangyari ang pinaka-maraming naaresto ng Wanted Persons nitong nakaraan buwan ng Oktobre.
Ayon kay BG. Jess Mendez, PRO3 director sa history ng regional office 3 ito ang Highest Record.
Umaabot sa1,262 Ibang wanted persons at aabot sa 241 most wanted persons ang mga naaresto.
Ang Bulacan Police ang maraming naaresto sa bilang na 327 sumunod ang Pampanga-270, Nueva Ecija-247, Tarlac-197, Bataan 164, Zambales- 101, Angeles City-88, Aurora-59 at Olongapo City-50.
Saan kaya ikukulong ang mga naarestong Wanted Persons? Nagtatanong lang po.
Hindi ba mapupuno ang mga kulungan? Nagtatanong lang po.
Calling CPOSCO!
Bakit hanggang ngayon wala pang nakatalagang Traffic Enforcer sa may St. Jude traffic light.
Maraming Kamoteng Driver ang hindi sumusunod sa nasabing traffic light.
Hihintayin pa ba ninyo na may mangyaring insidente bago kayo umaksyon? Nagtatanong lang po..
Chief L. Clemente ng CPOSCO aksyunan ninyo kaagad ito.
Maraming Kamoteng Driver sa yellow light.
City Mayor Vilma Caluag kayo na po ang umaksyon.
Aabangan ng Dateline ang agarang aksyon po ninyo Mayor Vilma.