Super Ka: Ernesto ‘Dudu’ N. Unay Ang tig-kaplag sa Bituon

SI ERNESTO “Dudu” N. Unay ang simpleng probinsyano sa Catbalogan, Samar, nga nanimpad sa Manila niadtong 2009. Bisan siya wa magtuo nga mahimo siyang talent scout ug karon co-manager sa mga artista. Apan dili sad tiaw ang iyang mga naagian nga kalisud. Si Unay nailhan sa showbiz nga maoy nakakaplag nilang Liza Soberano ug ex-Pinoy Big Brother (PBB) Otso batch 3 teen housemates Lance Carr ug Mich Wunder. Basaha kon giunsa niya pag-diskubre si Liza ug ang mga estorya nila luyo sa ilang pagpanimpad. Ernesto “Dudu” Unay, Ssssuper Ka!

Paano mo na-discover si Liza Soberano?

Year 2013 ko siya unang nakita sa isang event kasama niya yung tita niya. Inapproach ko sila kasi nakita ko na may future ang batang ito sa showbiz. Sa Kapuso ko siya unang dinala kasi yung time na yun ako din ang nagpapunta kay Alden Richards sa GMA para sa audition ng Alakdana. Since si Alden nakapasok sa GMA sabi ko sa sarili ko dalhin ko din si Hope sa GMA. Hope Elizabeth yung tunay na pangalan ni Liza. Nagustuhan agad siya ng GMA. Pina-sign kami ng one year contract. Pero sa contract may grace period na after one month upon signing hindi mo na puwedeng ma-withdraw yung contract. Sabi ni Hope sa akin “Tito Dudu okay lang ba try muna natin sa ABS-CBN?” Kaya ang ginawa ko nagpagawa kami ng letter sa lawyer para ma-release si Liza sa GMA. After one week na-submit agad namin sa GMA kaya ni-released nila si Liza.

Bakit hindi ikaw ang manager ni Liza ngayon?

Kasi after dinala ko si Liza sa Star Magic ng ABS-CBN sabi tatawagan lang daw nila kami after two weeks. Pero yung 2 weeks na pag-aantay namin sa Star Magic nag-text kami ni Ogie Diaz na gusto niya makita mga alaga ko kaya na-present ko kay Ogie si Hope na nagustuhan din niya kaya pasok ito sa banga. After 3 days pina-sign kami ng contract ni Ogie. After 2 weeks bigla tumawag ang Star Magic na gusto nila si Hope kaya sabi ko si Ogie na po kausapin n’yo kasi siya na ang manager.

Anong update kay Liza?

Nasa US pa rin siya para sa operation ng kanyang daliri. I-pag pray natin kay papa Jesus na maging successful lahat ng operation sa daliri niya para bumalik sa dati. Actually, merong gagawing teleserye si Liza sa ABS-CBN this year.

Paano mo na-discover sina Lance at Mich?

Year 2017 na-discover ko si Lance noong nagpunta ako sa Davao. Nagkataong may pinuntahan ako sa Davao at nag-message yung friend ko sa Facebook para i-meet daw si Lance. Nag-meet kami ni Lance kasama ang daddy niya at yung friend ko na nag-message sa akin. After two years may audition sa Gensan sa Starhunt at PBB kaya pinapunta ko sila sa GenSan at pumunta rin talaga ako para support kay Lance. Si Mich naman na taga-Albuera Leyte may dating humahawak sa kanyang agent. Kaso nagkaroon sila ng problema. Nagkataon na may audition din sa Cebu ng PBB kaya pinapunta ko siya at pumunta rin ako para suportahan siya. Talagang pumila sila sa audition. Masarap yung tagumpay na pinaghirapan at lalo kang magtatagumpay kapag pinaghihirapan mo ang isang bagay.

Sino pang mga talent mo?

Yung gumanap na mga anak ni Sharon Cuneta sa pelikulang “Kuwaresma” na sina Kent Gonzales and Pamela Gonzales. Mga alaga ko yun under sa Virtual Playground kay Sir Dondon Monteverde at co-manage ako. Alaga ko rin yung pinalad na maging finalist sa Bidaman sa It’s Showtime na si Eris Aragoza na nag-trending nitong June lang. I also have another talent si Justine Reyes, 18 years old, na co-manage ko ngayon sa Star Magic.

Paano ka napunta sa showbiz?

Very funny, never ko naging dream maging talent manager. Ang dami kong pinasukang trabaho kasi graduate ako ng dalawang course: AB General Bachelor Of Arts at Secondary Education sa Catbalogan, Samar. Pumunta ako ng Manila noong 2009 para magbakasali lang as in no connections. Dami ko din mga trials. Sa hirap ng buhay dito sa Manila kailangan lang tiyaga at diskarte. Kung saan-saan ako nakikitira. Nag-umpisa ako as agent sa mga modeling at commercial. Pabalik-balik ako sa ABS-CBN at paikot-ikot, kinakausap ko mga guard kung saan puwede magtanong ng workshop sa acting at kung magkano bayad para yong mga alaga ko maka-workshop. Pumipila kami ng 5am kasi may cut-off sila. Ang hirap talaga. Hanggang sa may talent ako na nilapitan ng taga-GMA at ibinigay niya yung number ko. Ang isang alaga ko din na mestisa nakita ng taga-ASAP ng ABS-CBN hanggang sa tinulungan nila ako ng mga contacts sa workshop at sa VTR ng Star Magic. Na-enjoy ko na siya at nagpapasalamat ako lagi sa Diyos kasi up to now nandito pa din ako sa showbz. Hirap ng dinaanan ko pero lagi ako nagsisimba at nagpi-pray na sana dumating ang swerte ko at maka-discover pa ako ng talent na sisikat.

Related Stories

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph