Opinion

Sapnu: Balasahan sa hanay na matataas police officers nagsimula na

Ric Sapnu

NOONG Biyernes, nagsimula na ang balasahan sa hanay ng mga senior police officers.

Ang second highest sa Chief PNP sa puwestong director for administration na si Lieutenant General Fernando Mendez Jr. ay nagretiro na kaya nagsimula na ang balasahan sa PNP.

Kaya naman umakyat si Lieutenant General Archie Gamboa na dating director for operations sa puwestong iniwan ni Mendez.

Samantalang si Lieutenant General Camilo Cascolan na dating directorial staff natalaga bilang director for operations.

Ang nangyari, si Major General Guillermo Eleazar ng National Regional Police Office ang pumalit sa puwesto ni Cascolan. Ang puwesto ni Eleazar ay pangatlo sa Chief PNP.

Sang-ayon sa pahayag ni Senator Bong Go, sina Gamboa, Cascolan at Eleazar ang pinagpipiliin ni Pangulong Duterte bilang kapalit ni Chief PNP Police General Oscar Albayalde.

Si Albayalde ay magreretiro sa Nobyembre 8 at bago siya magreretiro ay maaaring ipapahayag ni Pangulong Duterte kung sino ang gusto nitong maging next Chief PNP.

Mag mistah sina Albayalde, Gamboa at Cascolan. Ang tatlo ay miyembro ng Philippine Military Academy Class ’86.

Si Eleazar ay PMA Class ‘87 at siya ang matunog noon na papalit kay Chief PNP.

Sino na kaya sa kanila ang magiging Next Chief PNP? Abangan po natin...

Ang mga Police Regional Office-Central Luzon personnel ay umaasa na si Eleazar na ang mapipili ni Pangulo.

At sino sino kaya naman ang tatamaan ng balasahan sa mga regional police office at maging sa mga provincial police director? Abangan ang balasahan sa Central Luzon.

BONGBONG MARCOS FB PAGE

Labor slams zero dialogue with Marcos

Taiwan migrant worker offices on alert amid quakes

PMA calls on docs to maintain integrity, ethical practice 

Drought dries up Buhisan Dam

Garganera: WTE project still in progress