Opinion

Sapnu: Bulacan Police nangunguna pa rin sa armed encounter vs illegal drugs

Ric Sapnu

ANG Bulacan Police Provincial Office (BPPO) ay nangunguna pa rin sa big accomplishments sa illegal drugs.

Simula nang maupo si Senior Superintendent Chito Bersulona, Bulacan Police Provincial director, hindi na mabilang ang napapatay sa illegal drugs campaign niya.

Hindi na rin mabilang ang naaaresto nito mga drug pushers at users sa kanyang patuloy na malawakang kampanya laban sa droga sa kanyang area of responsibility.

Libo-libong gramo ng pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska mula sa mga suspek, ayon sa police report ng BPPO.

Kahit na ang mga jail ng Bulacan Police ay halos mapuno na sa kanilang mga naarestong drug personalities.

Kung inyong matatandaan, noong termino ni Senior Superintendent Romeo Caramat sa Bulacan Police, siya (Caramat) ang mayroon sa pinakamaraming big accomplishments sa kampanya sa droga.

Si Caramat noon ang mayroon pinakamaraming napatay na drug pushers at users sa kanyang area of responsibility.

At dahil dito, binigyan ng Certificate of Recognition si Caramat ng Philippine National Police.

Sa kasalukuyan ang Bulacan Police pa rin ang nangunguna sa accomplishment sa drug campaign sa Gitnang Luzon.

Pumapangalawa ang Nueva Ecija Police at lumalaban ngayon sa pangatlo ang Pampanga Police na kung saan nitong pag-upo ni Senior Superintendent Jean Fajardo, acting provincial director, naging aktibo ang Drug Enforcement Unit ng lahat ng kanyang police station.

Noong termino ni Caramat ang Bulacan Police ang number one sa illegal drugs campaign.

Sa termino kaya ni Bersulona, kaya niya kaya malampasan ang record ni Caramat? Nagtatanong lang po.

CEBU. Cebu City Mayor Mike Rama.

Rama: Let LGUs set up own water district

Deforestation in Cebu City ‘continues’

Pagasa: It will be a hot CVIRAA week

Over 4K megawatts to boost power supply in 2024

Study shows 'degrading state' of marine life in PH’s Sandy Cay