Opinion

Sapnu: Kampanya sa droga pangalawa ang Pampanga Police sa accomplishment

Ric Sapnu

HINDI na mabilang ang mga shabu pusher/user ang nahuhuli ng Pampanga Police sa loob ng tatlong buwan.

Ito’y batay sa mga police report na ipinadadala ng Pampanga Police Provincial Office sa Police Regional Office III (PRO-3).

At ayon sa police report, nangunguna pa rin ang Bulacan Police Provincial Office sa kampanya laban sa illegal drugs.

Bukod sa mga nahuhuling mga drug pusher/user, hindi na rin mabilang ang napapatay ng Pampanga Police sa mga anti-illegal drug operation na isinasagawa sa bayan sa lalawigan.

Naobserbahan ng Dateline, mula nang umupo si Senior Superintendent Nicolas Salvador bilang Pampanga Police provincial director marami ng mga drug pusher/user ang nahuhuli sa mga buy-bust operation.

Matatandaan noong Hunyo naupo si Salvador at sa loob ng ilang linggo nito sa puwesto nagsimula na ito sa kanya laban sa illegal drugs sa lalawigan.

Nitong nakalipas na tatlong araw lamang, umaabot na sa 10 suspected drug pushers ang nahuli ng Pampanga Police.

Dalawang suspected drug pushers sa bayan ng San Simon at isa sa Mabalacat City ang napatay matapos makipagpalitan ng putok sa mga pulis.

Nangunguna ang City of San Fernando Police Station sa mga nahuhuli drug pusher/user. Ito’y nang maupo ang hepe na si Superintendent Levi Hope Basilio.

Naging seryoso si Basilio sa kampanya laban sa illegal drugs kaya naman marami itong naaaresto.

Sa mga naaarestong mga drug pusher/user tiyak na mapupuno ang mga bilangguan sa lalawigan. Ano kaya ang aksyon ng nakakataas dito? Nagtatanong lang po...

Magkakaproblema ngayon ang Pampanga Police kung saan nila ikukulong ang mga naaresto nilang drug personalities.

Tinago Barangay Hall, shown here on May 2, 2024, received a “Notice of Violation” from Cebu City’s Task Force Gubat sa Baha for the concrete wall behind it that lies within the three-meter easement zone of the Estero de Parian. /

Anti-flood Task Force targets gov’t offices

City sports center revamp 50% done as Palaro looms

DOH: Delayed Covid allowances ‘underway’

Cedric Lee, Deniece Cornejo ‘guilty’ in Vhong Navarro illegal detention for ransom case

HIV ‘not a legal ground’ to terminate employees