Opinion

Sapnu: Quarry collections ng Pampanga umabot sa P2.505-B?

Ric Sapnu

Kamakailan iniulat ng Pampanga Provincial Government sa pamumuno ni Gob. Dennis "Delta" Pineda na umabot sa P2.506 billion ang nakolekta sa quarry.

Ito'y sa loob ng 41 buwan o halos mahigit sa tatlong taon at limang buwan.

Sa kanyang pag-upo bilang gobernador ng Pampanga mula 2019 hanggang sa Enero 2023, umaabot na sa P2.506 billion ang nakolekta sa quarry.

Kanyang pinagmamalaki na mahusay ang pangongolekta ng Pampanga Provincial Government sa quarry collections.

Sa pahayag ni Gob, sa pamamagitan ng pondo galing sa quarry collections ay malaking tulong ito para sa serbisyo sa mga kabalen.

Bagama't nahinto ang quarry operations sa Pampanga noong panahon ng pandemic kahit na papaano nang magsimula ito ay malaki ang nakolekta ng lalawigan.

Sabi ng ibang kababayan natin, noong panahon ni Bise Gobernadora Lilia "Nanay" Pineda malaki ang din koleksyon sa quarry.

At kung magbigay ng ulat ni Nanay ukol sa quarry collections ay quarterly kaya nalalaman ng mga kababayan natin ang kinikita ng Pampanga provincial Government.

*****
Announcement
Tinago Barangay Hall, shown here on May 2, 2024, received a “Notice of Violation” from Cebu City’s Task Force Gubat sa Baha for the concrete wall behind it that lies within the three-meter easement zone of the Estero de Parian. /

Anti-flood Task Force targets gov’t offices

City sports center revamp 50% done as Palaro looms

DOH: Delayed Covid allowances ‘underway’

Cedric Lee, Deniece Cornejo ‘guilty’ in Vhong Navarro illegal detention for ransom case

HIV ‘not a legal ground’ to terminate employees