Opinion

Sapnu: Inaasahang malawakang pagbalasa sa PNP

Ric Sapnu

SA pag-upo ni President Bongbong Marcos sa Hulyo, 2022, tiyak na magkakaroon ng malawakang pagbalasa sa Philippine National Police (PNP).

Hindi na bago ang ganitong SOP (Standard Operation Procedure) kapag bago ang Pangulo tiyak iyong mga "trusted" PNP officers nito ang kanyang bibigyan ng "break."

Baka nga itong nakaupong kasalukuyang officer-in-charge ng PNP na si Lieutenant General Vicente Danao ay maaaring palitan ni Marcos.

Kasi si Danao ay inupo ni Presidente Rodrigo Duterte at dahil si Marcos na ang presidente tiyak o baka palitan siya, ayon sa source ng Dateline.

Maaari din ipakiusap ni Duterte kay Marcos na huwag muna siyang palitan. Ang tanong pagbibigyan kaya ni BBM si Digong?

Kapag napalitan ang OIC o Chief PNP, susunod na balasahan ay iyong mga staff officers at maging iyong mga Police Regional Office (PRO) brigadier generals.

Kapag ang PRO regional director ay nasama sa gagawing balasahan, tiyak na ring susunod ang mga Police Provincial Directors.

Ang magiging epekto nito maging ang mga chiefs of police ay tatamaan din ng balasahan.

Sino kaya ang iuupo ni BBM na Chief PNP?

Abangan po natin...

*****

Wala pa rin tatalo sa mga Lazatin

Malaki ang lamang ni re-elected City Mayor Carmelo "Pogi" Lazatin, Jr. sa kanyang katunggali noong May 9 election.

Maging ang kanyang kapatid na si re-elected Jon Jon Lazatin ay malaki din ang lamang nito sa kanyang kalaban.

Sa obserbasyon ng mga political analyst, hanggang nakaupo ang mga Lazatin ay wala pa rin tatalo sa kanila.

Matandaan si the late Tarzan Lazatin ay walang tumalo sa kanya noong alkalde ng Angeles City.

Maging noong tumakbo ito ng Congressman ay wala din tumalo sa kanya.

Hangga't di natatapos ang termino ng mga Lazatin ay mahihirapan itong talunin.

Mabango ang pangalan ng Lazatin sa mga Angelenos dahil di nito pinabayaan ang kanyang constituents.

Sabi nga ng political anyalist hanggang nandyan ang mga Lazatin wala pa rin tatalo sa kanila.

*****

Green City Medical Center may bayad ang parking

Sa dami ng mga ospital sa Pampanga, bukod tanging ang Green City Medical Center ang may parking fee.

Sa unang tatlong oras magbabayad ka ng P20 as parking fee sa GCMC.

Kapag umabot kana g tatlong oras, additional P20 kada oras, ayon sa kumokolekta ng parking fee.

Ang siste nito wala naman binibigay na resibo. Kanino kaya napupunta mga parking fee? Natatanong lang po...

WHERE’S THE WATER? Water is sparse at the Jaclupan wellfield in Talisay City in this photo provided by the Metropolitan Cebu Water District (MCWD) on Friday, April 26, 2024. Completed in 1998, MCWD’s Jaclupan facility, officially known as the Mananga Phase I Project, catches, impounds and pumps out around 30,000 cubic meters of water per day under normal circumstances. However, on Friday, MCWD spokesperson Minerva Gerodias said the facility’s daily production had plummeted to 8,000 cubic meters per day, or just about a quarter of its normal capacity, as Cebu grapples with the effects of the drought caused by the El Niño phenomenon, which is expected to persist until the end of May. The facility supplies water to consumers in Talisay City and Cebu City. /

Drought dries up Buhisan Dam

Garganera: WTE project still in progress

Cacdac takes oath as DMW chief

CBCP calls for jail decongestion amid dangerous heat indexes

4 Cebu graduates in top 10 of Civil Engineers Licensure Exam