Opinion

Lacson: Pangangalaga sa pamanang kultura

Michelle Catap Lacson

ANG kultura, sa payak na kahulugan, ay ang sining, literatura, paniniwala, at kaugalian ng isang pangkat ng mga taong nananahanan sa isang pamayanan. (Santiago, 1979)

Sinasabing ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinasay pinaghalong impluwensiya ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito noon.

Ang kultura ang paraan ng pamumuhay na nakagawian ng tao. Kabilang dito ang sining, wika, musika at panatikan. Kasama rin ang paninirahan, pananamit, kaugalian, tradisyon at mga mahahalagang moral ng isang pangkat ng tao. Bawat pangkat ng mga taong naninirahan sa isang bansa, bayan, pook o pamayanan ay may sariling kultura.

Ang mga makabuluhang gawaing tulad ng musika, koro pag-awit, pagtugtog ng orkestrang kawayan, rondalla, pamanang sayaw, mga pista at rito, balagtasan, zarzuela, pagguhit o surat baybayin, at iba pa, ay nagpapatunay na ang kultura ay kakambal ng ating pagkatao at pagkakakilanlan bilang isang lipunan.

Ito ay bahagi ng maraming gawi na humuhubog ng mga natatanging kaugalian, mga paniniwala, at mga tradisyon, ang isang bayan. Ang nga ito ang siyang sumasalamin sa ating buhay, ang mga ito ay ang paraan mg ating buhay.

Ang sining at kultura ng isang bayan o lalawigan ay siyang nagiging pagkakakilanlan ng isang komunidad, ng isang lahi. Makikita kung gaano kayaman at kayabong ang diwang makabayan at makasaysayan sa pamamagitan ng mga mahahalagang pangkulyurang kasanayan at kaalaman ang napapanatiling buhay sa pagsalin-salin ng maraming henerasyon.

Gaano man kayaman at kayabong ang kultura ng isang lipunan, maaaring manganib ito kung hindi ito patuloy na pagyayamanin, bibigyang halaga, at iingatan. Ang adbokasiyang pang edukasyon ay siyang susi upang patuloy na ating linangin at payabungin ang ating iniingatang kultura.

UNDER THE SUN. A large umbrella shields students from the heat as they go home riding a bike with sidecar from Buenlag Central School in Calasiao, Pangasinan on Thursday (April 25, 2024). Pangasinan has been posting over 40 degrees Celsius heat index since a few weeks ago, and local government officials have implemented various measures to lessen the impact of the high heat index to the students.

PH sees 77 heat-related illness cases amid rising temperatures

Comelec mulls further limiting substitution due to withdrawal 

PRC to licensure examinees: Only 1 non-programmable calculator per examinee allowed

Magnitude 6 quake rocks Dulag, Leyte

CBCP issues Oratio Imperata to plea for rain