Opinion

Sapnu: Brig. Gen. De Leon, nanawagan sa publiko laban sa firecrackers...

Ric Sapnu

NITONG darating pagsalubong sa Bagong Taon, wag muna gagamit ng mga illegal firecrackers.

Ito ang mahigpit na panawagan ni Brig. Gen. Valeriano De Leon, Police Regional Office-3 (PRO3) sa mga residente ng Central Luzon ukol sa mga malalakas na paputok.

Kasunod nito, simula noong Huwebes (December 24) hinigpitan at patuloy ang ginagawang pag-ispeksyon ni De Leon sa mga Firecracker Stores at warehouses sa rehiyon partikular sa lalawigan ng Bulacan.

Kasabay nito, inatasan ni De Leon ang lahat ng mga Provincial at City police offices sa Central Luzon na maging "prepared" sa pagpapatupad laban sa mga kaso ng "indiscriminate firing of issued firearms" at sa mga insidente ng firecracker-related injuries.

Sa report ng police, mayroon ng isang naiulat na illegal discharge of firearm and isa naman ang naging biktima ng stray bullet sa Nueva Ecija.

Pinapayuhan ng PRO3 director ang publiko sa pagbili at paggamit ng illegal firecrackers, kagaya ng Watusi, Piccolo, Poppop, Five Star, Pla-Pla, Lolo Thunder, Giant Bawang, Giant Whistle Bomb, Atomic Bomb, Atomic Triangle, Large-sized Judas Belt, Goodbye Delima, Hello Columbia, Goodbye Napoles, Super Yolanda, Mother Rockets,Kwiton, Super Lolo, Goodbye Bading, Goodbye Philippines, Bin Laden, Coke-in-can, Pillbox, Boga, Kabasi at iba pang malalakas na paputok.

Ang mga pailaw kagaya ng Fountain, Jumbo Regular and Special Luces, Butterfly,Mabuhay, Roman Candle, Sparklers, Trompillo and Whistle Device ay pinapayagan gumamit ang publiko nito.

Umaapela si Brigadier General De Leon sa publiko na huwag bumili at gumamit ng illegal firecrackers.

Sa mga sibilyan na gun holders, huwag na huwag itong iputok sa pagsalubong sa Bagong Taon dahil sila'y kakasuhan ng Philippine National Police (PNP) ng karanpatan kaso, ayon pa kay De Leon.

Binalaan din ni De Leon ang lahat ng PNP personnel sa rehiyon na huwag ng magtangkang iputok ang kanilang isyu mga baril dahil makakasuhan mga ito ng administribo na maaaring ma-dismiss sa serbisyo.

**********************************

Kamakailan ng Monday Flag Raising sa PNP National Headquarters sa Camp Crame, nakatanggap ng award Medalya ng Kagalingan si Colonel Amante B. Daro, regional chief ng Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit 3.

Mismong si Chief PNP General Debold Sinas ang personal na nagbigay ng nasabing award.

Ang nasabing certificate of award ay nilagdaan ni Major General Israel Epraim Dickson, director for Personnel and Records Management.

Very qualified si Daro sa nasabing award dahil siya ay masipag sa kanyang trabaho at marami ng "big accomplishments."

Sir Colonel Daro congrats po sa inyo...

MANILA. The Philippine Navy's BRP Ramon Alcaraz (PS-16) and the French Navy's FS Vendemiaire (FFH-734) steaming together during the Division Tactics and Officer of the Watch Maneuver during the Balikatan’s Multilateral Maritime Exercise in the West Philippine Sea on April 28.

Chinese Navy ships monitored amid ongoing Balikatan off Palawan

City Council urges MCWD to address Buhisan dam desilting

'Muddy water' irks some residents

Piston Cebu skips transport strike for 2nd time, plans rally against PUVMP outside LTFRB 7

DILG allows police, jail, fire personnel to wear light uniforms due to summer heat