Opinion

Sapnu: LTO driver’s licensing may extension office?

Ric Sapnu

HINDI pa rin nawawala ang mga fixers sa Land Transportation Office (LTO) drivers’ licensing sa compound ng Provincial Capitol.

Sang-ayon sa intelligence officer (IO) ng Dateline, ang nasabing extension office ng LTO ay para sa mga fixer.

Ganito na ba kalakas ang mga fixer sa pamunuan ng LTO at nakapagpatayo pa ng kanilang opisina na malapit sa People’s Gym.

Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin nawawala ang mga fixer sa LTO na kung saan binibiktima nila ang mga bagong kumukuha ng Non-Professional at Professional driver’s license.

Nilalapitan kaagad ng mga Fixer ang mga target nilang biktima at sila’y aalukin upang mapadali ang kanilang pagkuha ng driver’s license, ayon sa IO.

Sa halagang P2,500 ang bagong kukuha ng non-professional at professional driver’s license ay tiyak na papasa sa LTO examination.

Sa written examination, ang gagawin ng fixer ay bini-briefing ang mga ito at maging ang sagot sa examination kanilang ibinibigay sa examiners, ayon sa IO.

Sa P2,500 bukod sa examination kasama na dito ang bayad sa driving test, ayon sa IO.

Ang hindi lang kasama sa P2,500 ay iyong medical examination na P350.

Kung tututusin, wala naman driving test nagaganap dahil kasama na rin sa P2,500 na ibinayad ng mga biktima.

Pagdating sa ID na kung kasama din sa P2,500 ibinayad mo sa fixer at kung gusto mo makuha kaagad ito panibagong deal na naman ito.

Sa halagang P500 sa ilang oras lamang makukuha mo ang ID mo, ayon sa IO.

Kaya naman ang fixing sa LTO hindi pa rin nawawala kahit na mayroon babala ang pamunuan na “No Dealing to Fixer.”

Ano masasabi ng regional director ng LTO-Central Luzon? Nagtatanong lang po...

UNDER THE SUN. A large umbrella shields students from the heat as they go home riding a bike with sidecar from Buenlag Central School in Calasiao, Pangasinan on Thursday (April 25, 2024). Pangasinan has been posting over 40 degrees Celsius heat index since a few weeks ago, and local government officials have implemented various measures to lessen the impact of the high heat index to the students.

PH sees 77 heat-related illness cases amid rising temperatures

Comelec mulls further limiting substitution due to withdrawal 

PRC to licensure examinees: Only 1 non-programmable calculator per examinee allowed

Magnitude 6 quake rocks Dulag, Leyte

CBCP issues Oratio Imperata to plea for rain